Jon nangako rin ng pagbabago

MANILA, Philippines - Kung si P-Noy ay nangangako ng pagbabago, ganun din si Jon Santos, ’yun nga lang pagbabago ng costume ang sinasabi niya.

Ang bonggang star ng Kuring, Gluring, Erap and Dioning Election Is Nearing: For Voter or For Worse ay nagbabalik sa kanyang post-election show.

Pinamagatang 101 Jonjemons: Da Pinoy Fower List, lagot sa komed­yante ang 101 Pinoy icons, cele­bri­ties, and politicians dahil tiyak na hindi sila patatawarin.

Pangako ni Jon na hitik ang show niya ng mga usa­pang may kinalaman sa mga kinababaliwan ng mga Pinoy tulad ng Facebook at politika. Isama pa ang oil spill at sinkhole!

Sinu-sino ang mapapasama sa Fower List ni Jon? For sure kasama sina Krissie Anino at Nyoy Nyoy.

Ngunit hindi pahuhuli ang mga veteran icons na sina Gloring Macatagal Arroyo, Manny Sapakyaw, at Ate Vi.

May mga bagong ce­le­brities din na maki­kieksena: Ja­je­jijomar Binay, at Charize Pa­pak­wa, ang unang Pi­nay na inaanak nina Afro Winfree at Ellen Degene­rous. Aba, sa­sa­ma pa ang buong gang ng OPM Jukebox Glee!

Walang patid na sor­presa at katatawanan ang hatid ni Jon o Jonje­mon sa July 30 and 31; Aug. 20 and 21 sa Tea­trino sa Greenhills, Pro­menade, San Juan.

Ang tiket (P1,500, orchestra at P1,200, bal­cony) ay ma­bibili sa lahat ng Ticketworld out­lets. For inquiries, tuma­wag sa 891-9999.

Show comments