Martial arts actor darating ng Manila
MANILA, Philippines - Ang international martial arts star na si John Foo ay darating sa Manila sa susunod na linggo para i-promote ang bagong pelikulang Tekken na hango sa popular video game.
Ginagampanan ni John ang karakter na si Jin Kazama sa movie adaptation ng Tekken. Narito ang aktor sa July 24 at maglalagi ng ilang araw para maipakilala ng husto ang pelikula na magbubukas sa Aug. 4.
Nakatakdang umikot sa iba’t ibang TV shows ang foreign actor at may meet-the-press event. Siyempre dadaluhan din niya ang premiere night ng Tekken bago umalis sa July 26.
Ang Tekken, idinirek ni Dwight H. Little (Halloween 4: The Return of Michael Myers), ay tungkol sa istorya ni Jin na napilitang maghiganti para sa pagkamatay ng kapatid na babae at ng kanyang ina at sinisisi niya si Heihachi Mishima.
Locally distributed ng New Line Cinema ang Tekken.
- Latest