MANILA, Philippines - Patuloy ang paghahanap ng bagong members ang all-female singing group na Zuri. Sa mga nais mag-apply, dapat ay 16 to 22 years ang edad, at least 5’4” ang height at higit sa lahat ay magaling kumanta at sumayaw.
Managed by Goldscreen Entertainment sa pamumuno ni Jo Enriquez, ang Zuri ay naglunsad kamakailan ng kanilang debut album na may pamagat na Heartaches and Disco Lights. Ang carrier single ay Obsession na nilikha ni Jamir Garcia ng Slapshock. Ang album ay distributed ng Polyeast Records.
Kasalukuyang umiikot ng malls ang Zuri para i-promote ang kanilang album. Sila ay nakatakdang mag-perform sa SM Bacoor (July 17), SM Baliwag (July 18), SM Mall of Asia (July 24) at SM Sta. Rosa (July 31).
Ang auditions para sa mga bagong members ng Zuri ay gagawin din sa mall shows nila at sa Goldscreen Entertainment office located at Scout Lozano street, Brgy. Laging Handa, Quezon City. Lahat ng mga applicants ay kailangan magdala ng kanilang portfolio or resume with photo o ipadala ito sa e-mail address na livezuri@gmail.com. Para sa iba pang detalye, maaring makipag-ugnayan kay Barry sa 0908-9865246.