Piolo di nangangarap maging direktor

Hindi muna itutuloy ni Christian Bau­tista ang serye sa telebisyon na gagawin sana niya sa Indo­nesia. Ayon sa manager niya, mahabang panahon ang kakailangin ni Christian para magawa ang nasa­bing serye at marami siyang trabaho rito sa Pili­pinas. Sa halip, pumayag itong gumawa ng isang pelikula dun pero maghahanap pa muna ng ilang artistang Pinoy na maka­kasama sa nasabing movie.

Inilunsad kamakailan si Christian bilang latest endorser ng Blackwater, isang pro­dukto ng Ever Bile­na para sa mga kala­lakihan.

Inamin ng mga taga-Ever Bilena na malaki ang naitulong ni Christian at maging ng isa pang endorser ng Blackwater na si Sen. Bongbong Marcos para lumakas ang benta ng Black­water lalo na sa labas ng bansa, particular na sa ilang bansa sa Asya na kung saan ay kilala at popular si Christian tulad ng Indonesia, Malay­sia at Thailand.

Samantala, pagka­ta­pos ng napaka-mata­gum­pay na release ng kan­yang album na nagtatam­pok sa mga awitin ni Jose Mari Chan, ang Romance Re­vi­sited, nag-aalala si Christian na baka hindi siya ma­kagawa ng album na sing-ganda nito. O kung maka­hanap man siya ng kasing-ga­gandang kanta ay baka matagalan pa. Pero pa­tuloy at patuloy silang magha­hanap para ma­sun­dan ang kanyang album.

* * *

Inamin ni Piolo Pascual na wala naman siyang ambisyon na maging isang direktor sa pelikula. Mas komportable siyang mag-produce ng movies at ang dalawang nauna niyang movie venture ay nakasiya naman sa kanya. Ang isa ay napanood pa sa Cannes at ang ikalawa ay nagsoli ng kan­yang kapital ng ilang ulit. Bukod dito, naka-diskubre pa siya ng isang magaling at box-office star sa katauhan ni Eugene Domingo.

Kasama si Piolo sa creative team ng Noah, isang bagong serye ng ABS-CBN na nagtatampok sa kanila ni Zaijian Jaranilla. Tumatayo siyang creative consultant.

Show comments