Sikat na aktor tinalakan ang young actress na naka-date

TRUE : Tinupad ni KC Montero ang pangako niyang magda-drag siya o magdadamit babae sa loob ng isang linggo kapag nag-follow sa kanya ang idol niyang si Justin Beiber sa kan­yang Twitter account.

Nang mag-post si KC ng ganitong hamon sa kan­yang Twitter account, ang dami raw pumik-up nito hanggang sa nakarating sa bagets na in­­ter­national artist. Ayun! Nabigla si KC nang mag-follow sa kanya si Justin Beiber. Kaya napi­litan itong sundin ang pangako niyang magda-damit babae na sinimulan nga niya nung Lunes at tuluy-tuloy daw ito hanggang Biyernes.

Nung una ay medyo problemado raw siya da­hil hirap sa paghahanap ng damit pang-girl at pati ang pag-aayos nito.

Pero marami siyang friends na tumulong sa kan­ya kaya successful ang pagda-drag niya nung Lunes kung saan mismong si Bubbles Pa­rai­so pa ang nag-ayos sa kanya kaya pagdating niya noong Lunes sa kanyang KC Show sa U92 ay marami ang gandang-ganda sa kanya at iisa lang ang kanilang komento - mas maganda pa si KC sa dating asawa niyang si Geneva Cruz.

Sobrang confident si KC sa kanyang pag­kala­laki kaya wala itong alinlangang baka ma­pag­bin­tangan itong bading.

Kasabay nito, kumalat sa ilang internet site ang dating kuha ni Paolo Contis na naka-ayos girl din sa pelikulang Reyna ni Keanna Reeves.

Sino ngayon ang mas maganda - si KC o Paolo?

TANONG : Tuloy na tuloy na kaya ang con­tract-signing ni Cesar Montano sa GMA 7 bukas?

Ayon sa nakalap naming impormasyon, dapat ay kahapon pa ang con­tract-signing ng aktor sa GMA 7 pero hindi raw pumuwede sa schedule ni Atty. Felipe Gozon kaya ni-reset nila ito ng Huwebes.

Nakasaad daw sa kontratang pipirmahan nito ay isang pang-GMA telebabad, sitcom at pelikula sa GMA Films.

Pagkatapos ni Cesar, si Maricel Soriano na kaya ang susunod na magi­ging Kapuso dahil nagsimula na itong mag-guest sa Pilyang Kerubin?

TOTOO KAYANG sandaling natigil ang pagi-enjoy ng mga tao sa isang bar kamakailan nang umeksena raw ang kilalang young actor sa gitna ng nasabing party?

Ang nangyari – masaya raw nagtsitsikahan ang guwapo at kilalang young actor at ang maganda at kilala ring young actress.

Ilang sandali pa lang daw ang tsikahan, biglang tumayo itong si young actor sabay dialogue kay young actress ng : “I will never talk to you anymore! You’re too showbiz!”

Natulala lang daw si young actress sa sobrang kahihiyan sa mga taong naka­sak­si sa eksena nila ng ka-date na actor.

Mukhang hindi na nga sila magkakausap uli dahil magkaibang network na ang dalawang ito.

TSIKA LANG : Magsisimula na sa Linggo ang bagong episode ng Love Bug na Exchange of Hearts na tinatampukan ng mga Starstruck 5 winners na sina Sarah Lahbati, Steven Silva, Enzo Pineda at Diva Montelaba. Kuha sa Camiguin ang buong episiode na ito na mapanood ng ilang Linggo pagkatapos ng Party Pilipinas.

Hindi raw pam-publicity ito, pero talagang puring-puri ni direk Andoy Ranay ang apat dahil hindi raw sila nahirapan na mapaarte ang mga baguhang artista.

Malaking bagay daw ang mga acting workshop na pinagdaanan nila kaya nahasa nang husto ang mga ito.

Exchange of Hearts nga ang title pero mukhang hindi raw nag-change ang heart ni Steven para kay Diva dahil mukhang na-develop ang ma­gan­dang friendship ng dalawa. Sey naman ni Diva, posible raw ‘yun pero sa ngayon ay mas gusto raw nilang mag-focus muna sa trabaho.

Ganundin kina Enzo at Sarah na ngayon pa lang ay botong-boto na ang kanilang magulang. Pero bata pa raw sila para maging serious sa lovelife kaya work muna sila.

Show comments