Spongebob at Dora Kapamilya na
MANILA, Philippines - Ang dalawa sa pinakasikat at pinakaminamahal na animated characters sa buong mundo, Kapamilya na!
Makisaya at makigulo sa mga adventures nina SpongeBob SquarePants at Dora the Explorer sa pag-uumpisa ng Nickelodeon Time handog ng ABS-CBN Team Animazing sa July 26 (Lunes).
Talaga namang mas maganda ang umaga ng mga tsikiting kasama na ng buong pamilya dahil ibabahagi ni Dora ang mga bago nitong kaaLaman sa ganap na 8:30 a.m. na susundan nang nakakatuwang mga kaganapan sa buhay ng kwelang si SpongeBob pagpatak naman ng 9:00 a.m.
Nakuha ng ABS-CBN ang eksklusibong rights para iere ang mga programa ng Nickelodeon gamit ang iba’t iba nitong platforms.
“Malaki ang pagpapasalamat naming sa tiwalang ibinigay sa amin ng MTV Networks International lalo pa’t ang Nickelodeon ay isa sa pinakamalaki at talaga namang sinusundang brands sa buong mundo. Sigurado akong matutuwa ang mga kabataang Pinoy sa mga bago naming handog sa kanila tuwing umaga,” sabi ni Leng Raymundo, vice president para sa program acquisitions.
Ipapalabas din sa ABS-CBN ang iba pang kinahihiligang Nicktoons tulad ng Avatar, The Legend of Aang; Go Diego Go!, The Adventures of Jimmy Neutron, El Tigre, Ni Hao, Kai-Lan, at The Penguins of Madagascar.
Ang Nickelodeon ay isang network na inuuna ang interes mga kabataan, at ngayo’y network na pinakatinatangkilik ng mga kabataasn sa Estados Unidos. Ito ay pag-aari ng Viacom International na siya ring may-ari ng sikat na music channel na MTV.
- Latest