Matapos sa Kapatid, Maricel Soriano sa Kapuso naman

MANILA, Philippines - Kasama sa ipakikilalang bagong character sa Pilyang Kerubin si Maricel Soriano.

You read it right. Pasok ang Diamond Star sa nasabing programa ng Kapuso Network.

Gagampanan niya ang role ni Regina, ang inang ibinuhos ang buong buhay para sa mga street at abandoned children. Nakatira siya sa isang tiny shelter inside a cemetery, next to the tomb­stone of her daughter.

Nasa likod ng kanyang kindness is a shady past secluded to many. Up to now, Regina’s conscience continues to haunt her over the loss of her two daughters. Penniless, she was forced to sell her youngest child when the eldest suffered from severe sickness. All efforts to save her failed. Her daughter died.

Sa kasalukuyan, ang cemetery ang naging permanent dwelling ni Regina.

Bukod sa kanyang motherly duties sa mga wa­lang tirahang bata nag-iipon din siya ng pera para hanapin ang nawawala niyang anak.

At sa kanyang misyon, gagabayan siya ng da­la­wang little angels sa tamang direksiyon.

Makikita kaya niya ang kanyang nawawalang anak?

Mapapanood si Maricel simula sa Lunes sa Kapuso Network.

Teka ano na nga bang nangyari sa career ni Maricel? Wala na ba talagang posi­bilidad na maging Kapamilya siya uli?

Palabas-labas na lang siya sa TV5 at ngayon ay sa GMA 7.

O baka naman talagang busy lang si Maricel sa kanyang lovelife – sa piling ng badminton trainer niyang dyowa.

Show comments