^

PSN Showbiz

GMA leader pa rin sa Mega Manila sa second quarter ng 2010

-

MANILA, Philippines - Patuloy na nanalasa sa TV ratings sa viewer-rich Mega Manila nitong ikalawang quarter ng 2010 ang GMA 7. Ito ay ayon sa kinikilalang TV ratings data supplier na Nielsen TV Audience Measure­ment.  

Nasa Mega Manila ang 55 percent ng total urban television households sa buong bansa. Binubuo ito ng Metro Manila at suburbs - parte ng Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna at Rizal. Ang Cavite suburbs ay bumubuo sa 94.7 percent ng total TV households sa buong lalawigan ng Cavite; samantalang ang Laguna suburbs naman ay bumubuo sa 66.4 percent ng total TV households sa lalawigan ng Laguna. Ang Rizal suburbs naman ay bumubuo sa 96.6% ng kabuuang TV house­holds sa lalawigan ng Rizal.

Ang malalaking bahagi ng Cavite, Laguna at Rizal, na bahagi ng Suburbs sa Mega Manila, ay bumubuo rin sa tinatayang 60 percent ng South Luzon coverage sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM). Patuloy na lumalamang ang GMA Network sa Mega Manila Suburbs, kung saan kabilang ang nasabing key areas.

Mula Abril hanggang Hunyo 2010 (figures mula Hunyo 27 hanggang 30 ay base sa overnight data), nagtala ang GMA ng average total day audience share (6:00 a.m. to 12:00 mn) ng 34.6 percent.

Ang Nielsen TV Audience Measurement na ginagamit ng GMA Network ay ginagamit din ng hindi bababa sa 23 iba pang local companies kabilang ang isa pang TV Network (hindi ABS-CBN). Ang mga top media agency kasama ang anim na regional clients ay pawang nagsu-subscribe sa Nielsen TV Audience Measurement.  

vuukle comment

ANG CAVITE

ANG NIELSEN

ANG RIZAL

AUDIENCE MEASURE

AUDIENCE MEASUREMENT

CAVITE

HUNYO

MEGA MANILA

MEGA MANILA SUBURBS

RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with