Agua at Bendita muling maghaharap

MANILA, Philippines - Hindi dapat palampasin ng mga manonood ang mga tagpo nga­yong linggong ito sa Agua Bendita dahil sa unang pagka­kataon, pagkatapos ng kanilang pagkakapalit ng anyo, muling magkakaharap ang kambal na sina Agua at Bendita (Andi Eigenmann).

Patuloy sa pagbibigay ng mga ’di inaasahang rebelasyon, ngayong linggong ito ay masasaksihan ang pinaka-inaan­taba­yanang paghaharap ng kambal.

“Sa mismong location namin kung saan kami nagti-taping, ang dami nang nagtatanong kung kailan ulit maghaharap sina Agua at Bendita na magkabaliktad ang anyo nila,” pahayag ng isang taga-production nang nabanggit na primetime series.

Ultimo si Andi, na siyang nagbibigay buhay sa karakter sa dalawang bida, ay buong pusong inihayag na excited din ito sa kung papaano tumatakbo ang kuwento. “Ang galing kung paano nagkakaroon ng koneksiyon ang bawat eksena. Kaya nabibilib po ako sa mga writers din namin dito,” sabi ng aktres.

’Wag palalampasin ang komprontasyon ng kambal sa Agua Bendita, Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa ABS-CBN, pagkatapos ng TV Patrol.

Show comments