SEEN : Walang reaksiyon ang mga tao sa Araneta Coliseum sa pagrampa ni Carla Abellana sa Bench Uncut fashion show.
Big help kay Carla ang suot na black leggings dahil naitago nito ang kanyang malalaking hita.
SCENE : Ang version ni Piolo Pascual sa Bakit, ang ’70s hit song ni Imelda Papin.
Ang mga kanta ng isang jukebox king at hindi ng jukebox queen ang dapat na ipinapaawit kay Piolo.
SEEN : Ang interview sa presidential stylist na si Liz Uy, ang ex-girlfriend ni John Lloyd Cruz. Tama na ang isang beses na pagsasalita ni Liz kung ayaw niya na magmukhang tsismosa dahil sa pagkukuwento niya tungkol sa mga nangyayari sa private moments ni P-Noy.
SCENE : Sumobra sa projection si Rocco Nacino nang rumampa ito sa Bench Uncut.
No reaction sa projection ni Rocco ang mga tao.
SEEN : Nakaapekto sa career ni Paulo Avelino ang pagkakabuntis niya kay LJ Reyes.
Wala ring reaksiyon ang mga tao sa pagrampa ni Paulo sa Uncut.
SCENE : Payatas ang working title ng TV series nina Sam Milby at Sarah Geronimo sa ABS-CBN.
Si Ruel Bayani ang direktor ng Payatas.
SEEN : Walang gustong magsalita tungkol sa pag-alis ni Andoy Ranay bilang direktor ng Pilyang Kerubin.
SCENE : Ang World Trade Center ang venue ng FHM Sexiest Women of the Philippines Party sa July 15.