Sarah nakakasabay sa galing ni Juday

May bagong karagdagan sa mga characters na ginagaya ni Willie Nepomuceno. Nadagdag si bagong Pangulong Noynoy Aquino. Parang sa lahat nang ginagaya niya, pinaka-kamukha niya si P-NOY. But then, nakamukha rin niya noon sina Pre­sidente Fidel Ramos at Presidente Joseph Erap” Estrada.

I’m sure maaaliw ang bagong pangulo sa im­personation sa kanya ni Willie.

* * *

Ano kaya ang kahihinatnan ng demanda ng GMA Network kay Mo Twis­ter? Naghi-hearing na yata sila kaya hindi nakakalabas ang dating Kapuso artista sa pala­bas ng TV5 na Juicy.

Siguro sinabihan na rin si Mo ng TV5 na huwag munang mag-appear sa nasabing prog­rama.

* * *

Sana napanood n’yo ’yung exposure ko sa Diva. Ilang araw ding lumabas ang character ko sa malapit nang matapos na serye na nagtatam­pok kay Regine Velasquez.

Ang saya ng atmosphere sa taping. Parang naglalaro lang ang lahat at hindi nag­ta­trabaho. Hin­di ko nga alam kung tala­gang naka­kata­wa ako o pinagtata­wanan lang ako nina Regine at Jaya. Every time kasi na ma­kita nila ako ay tawa sila nang tawa. At hindi lamang sila tumatawa, hu­maha­gikgik pa.

Sana bigyan pa ako ng GMA ng mga ga­nung guestings. Napupunan ’yung mga oras na wala akong ginagawa. At nararamdaman ko na artista rin ako.

Thanks in advance sa GMA.

* * *

Malaki ang expectations sa movie nina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo na Hating Kapatid. Napaka-simple lang ng title pero ’yung istorya ang malalim. Napakatindi ng komprontas­yon ng dalawa. Magaling si Juday pero nakakasa­bay sa kanya si Sarah.

Sayang may pinaplano sana akong movie nina Nora Aunor at Sarah, kung dumating lang ang Su­perstar. Ang kaso, wala man lang akong nariri­nig kay Nora, ni hindi ko na alam kung uuwi pa dito o hindi na. Maski mga Nora­nians, walang alam kaya habang naghi­hintay sila sa idolo nila, sinusu­por­tahan muna nila si Jake Vargas.

* * *

Suwerte rin ang isa ko pang alaga na si Joshua Pineda. Napili ito para su­ma­­li at maging kinatawan ng bansa sa World Cham­pionship of Per­for­ming Arts (WCOPA) na gaga­napin sa Holly­wood. Ito ’yung inter­national com­pe­tition na sina­salihan ng mara­ming bansa hindi lamang sa sing­ing kundi maging sa dan­cing at acting. Dito nanalo si Jed Madela.

Magaling namang singer si Jo­shua na guma­ganap na anak nina Michael V. at Manilyn Rey­nes sa Pepito Manaloto.

Sana manalo si Joshua, maka­kadagdag din ito para sa mabilis niyang pagsikat dito sa ating bansa.

Good luck, Joshua!

Show comments