Naglalagareng director bawal na sa MMFF!
Nang una naming makita ang aktres ay gandang-ganda kami sa kanya laluna nang una itong magparetoke ng ilong. Bahagyang tumangos ang ilong dahil maganda ang pagkakagawa.
Pero ngayon ay marami na naman ang nakapansin na nagparetoke na naman ito dahil nadagdagan pa ang tangos ng ilong nito na halos butas na lang ang nakikita kaya medyo nagbago na ang itsura nito ngayon.
Mabuti na lang at sa kabila ng kanyang pagiging kontrobersiyal ay nakakabalik ito sa showbiz at ngayon ay kabi-kabila ang mga proyektong ginagawa.
* * *
Napili na ang walong scripts na official entries sa darating na Metro Manila Film Festival - Agimat ni Enteng, Ang Tanging Ina Mo Rin, Dalaw, Father Jejemon, Rosario, RPG, Shake, Rattle and Roll XII at Super Inday & The Magic Bebe. Ang chairman ng selection committee ay si AGM Corazon Cruz ng planning section ng MMDA.
Nangako ang mga bumubuo ng Executive Committee na gagawin nilang higit na bongga at makasaysayan ang MMFF 2010.
Hindi nabago ang criteria sa pagpili ng walong entries pero may ilang napalitan sa rules and regulations - gaya ng dapat ang isang direktor ay naka-focus sa isang pelikula lang para ang quality ng pelikula ay hindi mag-suffer. Dati kasi ay puwede ang isang direktor sa dalawang pelikula na parehong kasali sa filmfest. Hindi rin dapat magkaroon ng dalawang pelikula ng isang genre lang.
Si Kris Aquino ang bida sa Dalaw na isang suspense-thriller movie at suwerte naman dahil napili ring bida ng Rosario si Jennylyn Mercado na ayon sa isang reliable source ay dapat nang magbago dahil may attitude problem daw ito.
Sila ang dalawa sa mga bida sa walong pelikula ng MMFF 2010.
* * *
Napakagandang bata ni Barbie Sabino na ang tunay na pangalan ay Jemimah Anne Sabino (8 years old) na nadiskubre ni Direk Bobot Mortiz at ngayon ay kasama sa pelikulang Cinco sa episode na Paa ng Star Cinema.
Nagsimula siya sa edad tatlo at lumabas sa maraming komersiyal hanggang pasukin ang pag-aartista.
Talagang hilig nito ang mag-artista at nakagawa na ng ilang pelikula.
Bukod sa Cinco ay kasama rin ito sa Noah, Rosalka, Magkaribal, at Goin Bulilit.
Ang Paa episode ay unang directorial job ni Enrico Santos.
Ipalalabas ito sa July 14 sa more than 100 theaters nationwide.
- Latest