Dennis, Jennylyn, & Patrick magandang project!

Talaga sigurong nakatakda for the big time si Frencheska Farr. Para ma­kuha mo ‘yung lead role sa musical movie na Emir, malaking suwerte na ‘yun. Sa rami ba naman ng mga matatalentong Pilipino rin na naririyan lamang at nag­hihintay ng kanilang suwerte pero siya pa rin ang pinalad, dapat ipag­pasalamat na niya ‘yun ng malaki. Tapos nanalo pa siya sa Guillermo Mendoza Memorial Awards bilang most promising, aba sobrang suwerte na yun.

Yes, you have so many things to thank for. Sa ganitong paraan mo lamang maibabalik sa Panginoon ‘yung mga magagandang biyaya na ibinigay Niya sa iyo. 

* * *

Kung dito sa atin ay pinaglalabanan ang pagiging pinakamaganda at pinaka-sexy sa mga artista, sa London, wala ni isa mang tumutol sa pagkakapili kay Audrey Hepburn bilang Most Beautiful Woman of the 20th Century. Tinalo niya ang malalaki ring personalidad na sina Marilyn Monroe at Grace Kelly. Pasok din sa Top 10 sina Angelina Jolie, Halle Berry, Jennifer Anis­ton, Kelly Brock, Princess Diana, Scarlett Johansson at Cheryl Cole.

I’m sure marami sa inyo ang hindi na naka­kakilala sa maraming pangalan na ito pero sina Audrey, Marilyn, at Grace ay kinilala talaga sa ka­nilang ganda nung kapanahunan nila.

Tayo kaya kung gagawa rin ng survey na ganito, sino kayang mga pangalan ang lalabas?

* * *

Sa muling pagkakasundo nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, wala kayang ngkakaisip na igawa sila ng project together with Dennis Trillo? Palagay ko, magandang project ito at panonoorin, hindi lamang dahil sa malaking pagkakaugnay nila sa isa’t isa kundi dahil din sa magagaling silang artista. Magkasama sina Jennylyn at Dennis sa Rosario, sana isinama na rin si Patrick.

* * *

Sa darating na Sabado, mapapanod n’yo ang birthday celebration ni Jake Vargas sa Walang Tulugan. Isang araw ito makalipas ang tunay niyang birthday. Sa July 11 naman siya bibigyan ng celebration sa Party Pilipinas. Sa mga naiinip nang mapanood siyang muli, may inihahanda ng movie para sa kanya ang GMA Films. Anytime, magsisimula na rin siya ng telenovela at magre-record na rin siya ng album.

Show comments