^

PSN Showbiz

Anne pinawisan ng malapot sa halik ni Richard

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ang Hating Kapatid nila ni Sarah Geronimo ang magiging last movie for the meantime ni Judy Ann Santos dahil after niyang manganak sa Oc­to­ber 14 (puwedeng mapaaga o ma-late ng two weeks), hindi siya magma­ma­daling bumalik sa showbiz dahil aalagaan niya si Bochochoy, ang napili nila ni Ryan Agoncillo na pet name ng kanilang baby boy.

Susulitin daw niya ang pag-aalaga sa baby, magre-relax siya at hindi magmamadaling balikan ang showbiz. Kukuha sila ng midwife para mag-assist sa kanya na mag-alaga sa bata, pero sila talaga ni Ryan ang mag-aalaga kay Bochochoy.

Natawa si Judy Ann sa tanong ng press kung at six months ay puwede pa silang maglambingang mag-asawa at pabiro ang sagot nitong “oo puwede pa, ‘di naman namin sinasagad-sagad baka magalit si bagets.”

Gaya ni Sarah na honored na makasama siya sa pelikula, masaya rin si Judy Ann na makatrabaho ang singer-actress. “Wala kang maipipintas kay Sarah, mabait na bata, nakikita ko lang na wala siyang pahinga, kaya sabi ko i-enjoy niya ang kabataan niya dahil hindi na puwedeng bumalik.”

Umaasa si Judy Ann na matatanggap ng moviegoers ang tambalan nila ni JC de Vera kahit bata ito sa kanya.

Sa July 21 na ang showing ng movie sa direction ni Wenn Deramas.

* * *

Si Rachelle Ann Go ang kumanta ng theme song ng pelikulang In Your Eyes na co-production ng Viva Films at GMA Films sa direction ni Mac Alejandre at showing sa August 18.

Napansin namin ang billing ng cast ay una si Claudine Barretto, sumunod si Richard Gutierrez at huli si Anne Curtis at walang “and” sa pagitan ng names nila.

Maganda ang trailer ng movie at nagulat ang press sa eksenang sina Claudine at Richard ang ikinasal at sabi ni direk Mac, ‘pag napanood ang movie, malalaman kung bakit ganun ang nangyari sa mga karakter. Malaking parte rin daw ng story ay nangyari sa Amerika, kaya kinailangan nilang mag-shooting ‘dun.

Isa pang ikinagulat ng press ay ang eksenang halikan nina Richard at Anne sa kotse na sabi ng actor, napakahirap dahil masikip. Pinagpawisan naman ng malapot at ninerbyos si Anne sa kino-consider niyang most daring scene na ginawa niya, pero kailangan nilang gawin dahil kailangan sa istorya.

Samantala, hindi naman pala ban ang Paparazzi sa GMA Films dahil ini-interview ni Ruffa Gutierrez ang cast ng movie at ipalalabas this Sunday.

* * *

Hindi na kami nagulat nang madatnan si direk Maryo J. delos Reyes na director ng Pilyang Kerubin dahil na-tweet ni Jewel Mische ang pagpa­palit nila ng director. Hindi na “in between jobs” si direk Maryo dahil siya na ang director ng soap hanggang matapos dahil umayaw na si direk Andoy Ranay.

Tama ang pasok ni direk Maryo sa Pilyang Kerubin dahil papasok sina Marvin Agustin at Camille Prats bilang sina Ardante at Rosa respectively. Si direk Maryo na rin ang director pagpasok ni Maricel Soriano na magiging guest for one week sa soap.

Ang manager ni Maricel na si Malou Choa-Fagar ang kinausap ng EP ng Pilyang Kerubin na si Angie Castrence at dahil walang kontrata sa ABS-CBN at TV5, napadali ang negosasyon. Pinaghahandaan na ang magiging role ni Maricel at baka next week, mag-taping na ito.

Hindi naman mawawalan ng project sa GMA 7 si direk Andoy dahil balita namin, siya ang director ng Love Bug Presents Love Square na bida sina Sarah Lahbati, Diva Montelaba, Enzo Pineda, at Steven Silva na kukunan sa Camiguin.

* * *

Hindi rumampa sina Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres-Gomez sa Bench Uncut Denim & Underwear Fashion Show at nanood lang silang dalawa.

Nang tanungin si Richard sa balitang paglipat niya sa TV5, ang sabi’y habang wala pa siyang ginagawa sa GMA 7, sa TV5 muna siya. Kaya hindi siya natuloy sa sitcom na Inday Wanda dahil nagka-problema sa talent fee. Ang manager niyang si Wyngard Tracy ang nakipag-negosasyon at tila ‘di kaya ang budget ng show ang tf niya.

vuukle comment

ANDOY RANAY

ANG HATING KAPATID

ANGIE CASTRENCE

ANNE CURTIS

BENCH UNCUT DENIM

DAHIL

JUDY ANN

MARYO

PILYANG KERUBIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with