Bossing, sinorpresa ang mga taga-Lakdayan
MANILA, Philippines - Tulad ng kanyang ipinangako ay personal na pumunta si Vic Sotto sa Lakdayan Elementary School sa San Narciso, Quezon para bisitahin ang kauna-unahang EB Classroom Project ng Eat Bulaga.
Kasama sina Senador Tito Sotto, Jose Manalo, Wally Bayola, Eat Bulaga producer na si Mr. Tony Tuviera at ilang staff ng programa, dinayo ni Bossing (sikat na tawag kay Vic) nu’ng tanghali ng Hunyo 18 ang malayong barangay ng Lakdayan sa San Narciso, Quezon na tatlong oras ang biyahe mula sa Lucena City.
Mistulang special holiday sa nasabing eskuwelahan nang dumating si Bossing. Pinalabas muna sa kanilang mga classroom ang mga estudyante at inipon sa harapan ng school para sama-samang i-welcome ang pagdalaw doon ng Eat Bulaga dabarkads.
May dagdag pang sorpresa si Bossing sa pagbisita niya sa Lakdayan. Bukod sa karagdagang mga aklat para sa library ng eskuwelahan, nagbigay siya ng bagong TV set na may kasamang iba pang audio-visual equipment na magagamit ng mga estudyante.
Niregaluhan ng mga guro at estudyante ng nasabing eskuwelahan si Bossing ng matatamis na saging at mangga, at isang halaman na nakalagay sa latang paso. Binigyan din si Bossing ng mga bata ng mga gawa nilang thank you cards.
Ang tanging hiniling niya sa mga estudyante ng Lakdayan Elementary School ay mag-aral ang mga ito nang mabuti. Alam daw niyang marami pang silid-aralan ang naghihintay ng tulong, kaya sisikapin ng Eat Bulaga na paunti-unti, paisa-isa ay makapagpatayo pa ng mga classroom para sa mga bata.
Dobleng Sarap sa My Favorite Recipes
Hindi lang isa kundi dalawang dishes na ang ihahain sa bawat episode ng My Favorite Recipes simula Lunes (July 5)!
At dahil mga pagkain na magka-partner sa lasa ang bibida sa show, isang magaling na chef ang makakatulong ng host na si China Cojuangco sa bagong season ng programa - ang kanyang mentor na si Chef Gino Gonzalez.
Si Chef Gino ang owner at Executive Chef ng Buenisimo sa Eastwood Mall. Isa rin siyang Head Instructor sa Center for Asian Culinary Studies at Executive Chef ng multi-awarded na Café Ysabel. Ang specialty products ng Café Ysabel na ipinangalan mismo kay Chef Gino - ang Chef Gino’s Gourmet - ay mabibili sa mga sikat na hypermarts at food markets.
Para sa unang batch ng meal duos na ihahain ng My Favorite Recipes ngayong Lunes, bubusugin nina China at Chef Gino ang mga manonood sa main course na Roast Chicken with Bacon at dessert na Dulce de Leche Creme Brulee. Pagtatapatin din nila ang Pasta Alfredo, ang pasta dish na ang pangalan ay nanggaling sa isang Roman restaurateur, at ang favorite snack mula sa United Kingdom , ang Fish and Chips. Ipapakita rin nina China at Chef Gino kung bakit perfect kainin ang Herb Crusted Beef Fillet kasama ng Potato Dauphinoise.
Sa mga susunod na araw naman (July 6-11), kikilitiin ng dalawang chefs ang panlasa ng viewers sa pamamagitan ng mga dishes na ito na may kakaibang flavours - ang Veal Cutlets with Capers at Green Tea Panacotta sa Martes, Prawn Tomato and Saffron Pasta at Decadent Mango Mousse sa Miyerkules, Cheesecake Bars at Herbed Tuna Casserole sa Huwebes, Hamburger Steak and Gravy at Champorado Truffles sa Biyernes, Brownies at Canelones sa Sabado, at Fruit Popsicle at Crackling Pork with Sweet Mashed Potatoes sa Linggo.
Abangan lahat ng interesting recipes na ito at marami pang iba sa pagsisimula ng bagong season ng My Favorite Recipes ngayong Lunes!
Mapapanood ang My Favorite Recipes Lunes hanggang Biyernes, 10:00 a.m., 11:40 a.m., at 6:10 p.m.; Sabado, 11:00 a.m., 1:45 p.m., at 5:40 p.m.; at Linggo, 11:40am, 5:40pm, at 8:25 p.m., sa Q Channel 11.
- Latest