Seen : Inulan ang inaugural party ni P-Noy sa Quezon Memorial Circle noong Miyerkules ng gabi ngunit hindi umalis ang mga tao.
Scene : Nakatulugan ni Baby James Yap ang free concert na pinanood ng kanyang pamilya sa Quezon Memorial Circle. Well-applauded ng mga tao ang pagkanta ni P-Noy ng Estudyante Blues at Watch What Happened sa kabila ng kanyang boses na sintunado.
Seen : Sina Jay-R, Kyla, Regine Velasquez, at Ogie Alcasid ang mga Kapuso star na nag-perform sa inaugural party ni P-Noy na dinaluhan ng mga artista ng Kapamilya network.
Scene : Ngayong nakaupo na sa puwesto si P-Noy, dapat nang awatin sa pagpapainterbyu sa media ang kanyang mga kapatid at pamangkin upang hindi mabuhay ang mga isyu ng Kamag-anak Inc.
Seen : Ang hindi pagsipot ni James Yap sa Aquino Inaugural ang sinasabing dahilan ng malungkot na mukha ni Kris Aquino. Wrong timing ang pagtatapat ni Kris sa The Buzz na hiwalay na sila ni James.
Scene : Hindi napigilan nina Mariel Rodriguez, Vhong Navarro, at Anne Curtis na magpakuha ng litrato na kasama si P-Noy matapos nitong kumanta.
Seen : Napagkamalan na babae ang kumanta ng Ang Pilipinas Ngayon dahil sa matinis na boses ng mang-aawit. Si Jed Madela ang kumanta ng Ang Pilipinas Ngayon.
Scene : Nanumpa si Gary Jason Estrada bilang board member ng 2nd District ng Quezon Province sa Tayabas Convention Center noong Miyerkules. Kasama ni Gary sa panunumpa ang misis na si Bernadette Alysson at ang kanilang mga anak na babae.