Ben 10 nasa TV5 na

MANILA, Philippines - ‘Di na paawat ang TV5 sa pagpapalabas ng mga international kiddie hit shows sa Philippine free TV! Kung natuwa kayo kay Spongebob at sumama sa adventures ni Dora the Explorer, siguradong ‘di ka magpapahuli sa pagdating ni Ben 10.

Nang malaman na kaya niyang mag-transform into several superheroes, ginamit ng ten-year-old na si Ben Tennyson ang kanyang kakayahan para tu­mulong sa mga nangangailangan habang sumasabak sa mga kid-style trouble. Gamit ni Ben ang Omnitrix watch na tumutulong para mag-morph siya sa iba’t ibang anyo tulad ng Heatblast, Upgrade, Grey Matter, Stinkfly, Ghostfreak, Ripjaw, Wildmutt, Fourarms, XLR8 at Diamondhead.

Kasama niya sa ilang adventures si Grandpa Max, ang masayahin at cool na lolo at mentor niya, at si Gwen, ang matalino at mahinahong pinsan ni Ben. Kahit pa may powers, sina Grandpa Max at Gwen ang tak­­­buhan ni Ben kapag nasusuong na siya sa matitinding pagsubok. Samahan si Ben sa mga exciting activities mula Lunes hanggang Biyernes, 9:30 am at 5:00 p.m., at weekends, 9:30 a.m simula ngayong Huwebes July 1 sa TV5!

JL naghangad ng masama

Sa Pilyang Kerubin ng GMA 7, si Aroo (John Lapus) naman naghangad na sumama sa masamang panig. Susubukan naman ni Noah (Yogo Singh) na pagsabihan si Charity (Barbie Forteza) kaso nahuli siya ni Manong (Janno Gibbs).

Dahil sa kabaitan ni Angelica (Barbie), naubos niya ang kanyang mga napalimos sa kabibigay ng pagkain sa mga bata at matatandang nakakasalamuha niya.

Muling nagsama uli sina Melissa (Angelika dela Cruz) at Arman (Raymart Santiago). Nakita silang magkasama ni Lailani (Ina Feleo). Lailani went to Melissa’s house. Sinumbong niya ito kay Jonas (Paolo Contis). Nakita rin ni Lailani si Charity mula sa bintana ni Aaron (Elmo Magalona).

24 at America’s Best Dance Crew ipinagmamalaki ng SOLARtv

Ipinagmamalaki ng SOLARtv ang dalawang programa na hit sa Amerika at iba pang bansa — ang America’s Best Dance Crew (ABDC) at 24.

Ang fourth season ng America’s Best Dance Crew ay nagsimulang ipalabas sa SOLARtv noong Aug. 9, 2009. Lahat ng three judges at ang show host na si Mario Lopez, pati ang backstage correspondent na si Layla Kayleigh na pawang galing sa mga previous seasons, ay muling nag-sign on para sa Season Four.

Pero sa unang pagkakataon, simula pa nang umpisahan ang ABDC, si DJ Rashida ay hindi nakapag-DJ dahil siya ay kasama sa mga tours ni Lady Gaga at Jabbawockeez. Ngunit hindi tulad ng mga nakaraang season, walang live audition special. Noong Sept. 27, 2009, ang We Are Heroes ay idineklarang winner ng Season Four at tumanggap ng $100,000 na prize.

Ang ika-limang season ng America’s Best Dance Crew ay nag-premiere noong Jan. 28, 2010. Ang mga auditions ay ginanap sa anim na siyudad: Atlanta, Houston, Denver, Los Angeles, Boston, at New York. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang mga audition callbacks ay ginawa matapos ang araw ng auditions, kasama na ang evaluation ng mga TV show judges at mga miyembro ng ABDC’s winning crews. Ang show ay medyo na-reformat upang maging katulad ng dalawang unang season. Noong April 8, 2010, ang Poreotix ang itinanghal na winner ng Season Five at nagtamo ng $100,000 na premyo.

Ang seryeng 24, sa kabilang dako, ay isang American serial action/drama television series na ipinapalabas ng Fox sa United States at nasusubaybayan sa buong mundo. Ang serye ay unang inere noong Nov. 6, 2001.

Ang istorya ng 24 ay ipinipresenta bilang katulad ng real time. Ang bawat season ay naglalahad ng isang 24-hour period sa buhay ni Jack Bauer (Kiefer Sutherland), na nagtatrabaho sa pamahalaan ng Amerika sa pakikipaglaban nito sa mga terrorist threats laban sa bansang United States. Si Bauer ay laging nasa kalagitnaan ng mga panganib para sa Counter Terrorist Unit (CTU) habang pinoprotektahan ang kaligtasan ng bansa mula sa mga terrorist threats. Ang palabas ay sinusundan ang galaw ng mga CTU agents, government officials, at maging ng mga terrorists mismo.

Sa Season Eight, na nagsisimula at natatapos ng 4:00 p.m. sa New York City, may eksenang papaalis na sana si Jack patungong Los Angeles kasama ang kanyang anak na babae na si Kim, ang husband nito, at ang kanilang anak na batang babae, nang tawagin muli si Jack ng CTU para i-uncover ang isang Russian extremist plot upang i-assassinate si Islamic leader Omar Hassan sa idadaos na peace negotiations kay US President Taylor.

Show comments