MANILA, Philippines - Sayang, wala si Shaina Magdayao sa presscon ng Ystilo Salon kung saan ipinakilalang bagong kapamilya ang aktor na si Geoff Eigenmann. Nasagot na sana niya ang lahat ng issue sa kanila ng boyfriend niyang si John Lloyd Cruz matapos umamin ang aktor tungkol sa kanilang relasyon.
Present naman ang ate niyang si Vina Morales. Kaso ayaw ding magsalita tungkol sa dyowa ng kanyang nakababatang kapatid o maging tungkol kay Shaina bilang respeto raw.
Basta ang sinabi lang ni Vina, welcome sina JLC at Ruffa Gutierrez na ex ni JLC na magpaayos sa Ystilo.
Sinabi rin niyang binati niya si Ruffa nung birthday nito at hindi mabubura ang pagiging magkumare nila kahit pinag-uusapang pinagsabay ni JLC sina Shaina at Ruffa.
Anyway, malayo na ang narating ng Ystilo Salon mula nang magbukas ito noong August 8, 1999. Nagsimula ito sa Fairview sa pangunguna nina Vina at ng mag-asawang Federico at Sheila Moreno. Halos sampung-taon na ang nakalipas at may mahigit na 30 salons nationwide, isa ang Ystilo sa mga kilalang salon sa bansa.
* * *
Pormal nang inanunsiyo ang walong pelikulang kasali sa gaganaping Metro Manila Film Festival ngayong taon. Pasok sa listahan ang mga sumusunod – 1. Agimat ni Enteng (M-Zet-GMA Films), 2. Tanging Ina Mo Rin, (Star Cinema), 3. Dalaw (Cinema Media), 4. Father Jejemon (RVQ Productions) 5. Rosarie (Cinema Buhay) 5. RPG (ABS-CBN) 7. Shake Rattle N Roll XII (Regal Entertainment), 8. Super Inday N The Magic Bibe (Regal Entertainment).
Chairperson of selection committee is AGM Corazon Cruz-MMDA Planning.
Meaning, sure na ang pelikulang pagsasamahan nina Sen. Bong Revilla na nagkaroon ng oath taking the other night at Vic Sotto – ang Agimat ni Enteng.
* * *
Ipinawalang-saysay pala ng Office of the City Prosecutor ng Quezon City ang reklamo na isinampa ni Josephine Norcio laban kina Dr. Vicki Belo at dalawa pang cosmetic surgeons.
Matatandaan na nagsampa ng mga kaso si Norcio, na sumailalim sa hydrogel butt augmentation sa Belo noong December 2002 at June 2005, ng “reckless imprudence resulting in serious physical injuries, estafa, tax evasion and false, deceptive or misleading advertisement” laban sa Belo noong isang taon.
Ngunit sa resolusyon na inilabas noong May 17, sinabi ni Assistant Quezon City Prosecutor Romana Lindayag del Rosario na walang matibay na ebidensiya na nagtuturo na si Dr. Belo ang gumawa ng procedure sa kanya. Dahil dito, walang batayan na idamay pa rito ang sikat na doktora.
Dagdag pa ng resolusyon, napatunayan ng test na ginawa ng National Bureau of Investigation (NBI) Forensic Chemistry Division na nagka-infection nga si Norcio. Pero hindi naman nito napatunayan na may kinalaman sa infection ang hydrogel na inilagay sa kanya apat na taon na ang nakakaraan.
“Taking into account the time or period that has elapsed since the butt augmentation procedure and the manifestation of the alleged infection, there is no doubt as to whether the said procedure is indeed the proximate cause thereof,” saad pa ng resolusyon.
Ipinaliwanag din ng resolusyon na “proximate cause is that which in natural and continuous sequence, unbroken by any efficient, intervening cause, produces the injury and without which the result would not have occurred.” Marami na ring mga bagay ang puwedeng nangyari sa loob ng apat na taon mula noong huli siyang operahan hanggang sa kasalukuyan.
Ang iba pang inakusahan na sina Dr. Ronaldo Cayetano at Dr. Francis Decangchon, parehong wala na sa Belo, ay cleared din sa kaso. “The court finds no probable cause to hold the two doctors liable for reckless imprudence resulting to serious physical injuries, since the complainant herself admitted that she felt no discomfort or pain until after seven years from the first procedure and four years after the second.”
Lahat ng iba pang kaso laban kay Dr. Belo ay dinismis.
Good news ito for Dra. Belo.
* * *
Ngayong araw na ang pinakahihintay na inauguration ni President-elect Noynoy Aquino. At kung ano raw aligaga ni Kris sa nasabing malaking okasyon, siya ring abala nito sa pagpapaayos ng mga dokumento ng mga ari-arian nila ni James Yap.
Yes, abala raw ito dahil wala pala silang pre-nuptial agreement ng basketbolista kaya ayun kailangan daw ayusin ang hatian ng mga yaman nila dahil conjugal siyempre sila. Meaning kahit mas marami siyang kinita, hati dapat sila.