Maxene Magalona 'di makaiyak, tinalbugan pa ng bagets ng Trudis

TRUE : Mismong si Dennis Trillo ang nagkum­binse kay Jennylyn Mercado na dumalo sa birthday party ng anak ni Cheska Garcia.

Humupa na ang galit ni Jennylyn kay Patrick Garcia at sinabi na nito sa mga huli niyang interview na okay na sa kanya na makita at makilala ni Patrick ang kanilang anak na si Alex Jazz.

Unang nakarating ang balitang ito kay Cheska dahil nasa Australia pa si Patrick nung time na ‘yun.

Pinadalhan daw ni Cheska ng imbitasyon si Jennylyn para sa birthday ng kanyang anak at si Dennis daw ang nagpayo sa aktres na daluhan ito para matapos at magkaayos na sila.

Ginanap ang birthday party ng anak ni Cheska at Doug Kramer na si Kendra sa Ayala Alabang Country Club nung nakaraang Linggo at dumating nga si Jennylyn dala si Alex Jazz at ang Mommy Lydia nito.

Nandun na si Patrick kaya masaya ang lahat nang nakita nila si AJ at masayang nagkumustahan, game na game na naglitratuhan sina Patrick at Jennylyn kasama ang kanilang anak.

Malaking bagay daw ang payo ni Dennis kay Jennylyn kaya nag-iba ng desisyon si Jennylyn.

Abangan sa Startalk ang mga kuha sa party ng anak ni Cheska at ang mga pahayag nina Jennylyn at Patrick.

TANONG : Totoo kaya ang nakarating na intriga sa aming break na raw sina Vic Sotto at Pia Guanio? “Of course not!” tili ni Malou Choa-Fagar ng Eat Bulaga. “Wala naman akong nakikitang problema nila. Intriga lang ‘yan,” dugtong pa nito na kaagad naman naming pinaniwalaan dahil araw-araw nga naman niya itong nakakasama.

Hindi na bago ang ganung intriga kina Bossing Vic at Pia pero sila pa rin at lalong tumitibay ang kanilang relasyon at kasalan na lang hinihintay.

Malamang maunahan pa sila nina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa na humarap sa altar.

Totoo kaya mga Janet Jackson songs ang paboritong pinakikinggan ni President-elect Noynoy Aquino sa kanyang Ipod?

Kuwento ng kaibigan ng isang nagtatrabaho sa bagong halal na pangulo ng ating bansa, nabigla raw siya na mga ganitong klase ng kanta ang paborito ni P-Noy at ilan pang mga party music.

TSIKA ni Maxene Magalona : nakakatuwa raw si Jillian Ward na mas kilalang Trudis Liit. May isang eksena raw silang dalawa na kailangang pareho silang umiiyak, kaya pinaghahandaan ito ng aktres. Naloka raw siyang tinulungan pa siya ni Jillian na mag-emote para makaiyak agad. Ang bilis daw kasi ni Jillian umiyak at feeling nito, makakatulong siya kay Maxene para mapabilis din ang pag-iyak sa eksena nilang dalawa.

Show comments