John Lloyd nagsinungaling!

Congrats kay Boy Abunda! Sa kabila ng kanyang kaabalahan, nagagawa pa niyang maging titser. Nagtuturo na pala siya sa Philippine Women’s University (PWU) ng subject about radio at television sa mga mag-aaral ng MassCom de­partment.

* * *

Ayaw din pala ni Dingdong Dantes ng posisyon sa gobyerno. Pakiramdam niya, mas ma­rami siyang magagawa bilang isang artista at mara­ming mapupuntahan at matutulungan ang malaking kinikita niya, bukod pa sa galing sa sarili niyang bulsa.

Totoo nga, puwede naman tayong makatulong kahit wala tayo sa gobyerno at kahit hindi tayo mag-join sa politics. Hindi ako sang-ayon kapag nakaririnig ako ng mga salitang gusto lamang nilang maglingkod kaya sila tumatakbo. Serbisyo nga naman ang paglilingkod sa bayan at hindi isang trabaho.

* * *

Si John Lloyd Cruz, binasted daw ni Sarah Ge­ro­nimo? Meron pa rin palang babae na naka­tatanggi sa kanyang charm?

Marami ang turned off sa kanya nang aminin ni Ruffa Gutierrez na pinagsabay niya sila ni Shaina Magdayao. Gusto kong malaman kung paano mo ito lulusutan Lloydie. And you should make an effort dahil makasisira ito ng malaki sa image mo. Not even a great actor na tulad mo ay pu­we­deng mamangka sa dalawang ilog and get away with it.

It seems nagiging paboritong atakihin ng press si Loydie. Bakit kaya, may atraso ba siya sa kanila? Totoo bang may mga sinasabi siya na laban sa kanila? Hindi ba siya natatakot na baka dahilan dito, magbago ang takbo ng kanyang career? Kung sabagay, marami na siyang ipon, baka puwede na siyang magbago ng career. At ’di na niya kailangang makipagmabutihan pa sa press.

* * *

Mahirap talaga ang mga artistang nagugrupo-grupo, kapag may isang pumalpak, damay lahat.

Si Empress Shuck, hirap na hirap ipagtanggol ang kanyang mga kasamahang sina Melissa Ricks, Erich Gonzales, at iba pa dahil sa diuma­no’y pagkakaroon nila ng attitude problem. Nahi­hirapan siyang linisin ang kanilang mga imahe.

Katulad din ng grupo ni Maxene Magalona. Napa­paaway ang mga miyembro ng Ampalaya Anonymous dahil sa mga artistang lalaki.

Magandang magkaroon ng grupo pero sana iwasang masangkot sa anumang gulo dahil siguradong maaapektuhan kayong lahat. Katulad nung nangyari kina Bianca King at Pauleen Luna, eh ’di pati siya sangkot. At si Dennis Trillo lamang ang dahilan ng away nila na meron nang bagong karelasyon ngayon.

Surprisingly, kay Pauleen tila kiling ang publiko. Dahil underdog ito, nag-iisa at walang grupo at ang mga Pinoy ay kampi sa mga underdog. Buti na lang nakakita ng linaw sina Maxene at Pauleen, nagbati na sila.

Show comments