TRUE: Wagi sa First MTRCB Film Awards si Gov. Vilma Santos bilang best actress at nag-tie sa best actor sina Alfred Vargas at Lou Veloso.
Hindi nakadalo sina Gov. Vi at Lou pero dumating naman si Alfred para tanggapin ang kauna-unahan niyang trophy.
Ginanap ang MTRCB Film Awards sa Crossroads 77 sa Quezon City kama kalawa ng gabi na dinaluhan naman ng mga kilalang artista gaya nina Richard Gomez, Lucy Torres, Lani Mercado, Cesar Montano, Sunshine Cruz, at marami pa.
Ito lang ang award-giving body na may tatlong best picture award: Ang Panday ang wagi sa Action/Fantasy, Last Supper No. 3 sa Comedy, at Himpapawid sa Drama.
Best supporting actor naman si John Lloyd Cruz at best supporting actress si Isabel Lopez.
Ginawaran naman ng Lifetime Achievement Award si Mother Lily Monteverde.
Congratulations sa lahat na nagwagi lalo na kay Chairman Consoliza Laguardia na umaasang masundan ang pamamahagi ng award sa susunod na taon.
TANONG: Nagpadagdag nga ba ng dibdib si Kris Bernal? Marami ang nakapansin na lumaki nga ang boobs ni Kris kaya pagkatapos itong na-intrigang nagparetoke ng ilong, ang dibdib naman niya ngayon ang napagdiskitahan.
Sagot ni Kris: “Marami nga po ang nakapansin na lumaki raw ang dibdib ko. Sa mga taong nagtataka bakit lumaki ang dibdib ko, nagdadalaga na talaga ako eh!”
TOTOO KAYANG nag-aaway-away na ngayon ang ilang miyembro ng Ampalaya Anonymous? Kaya siguro sinasabi na nila na wala na ang Ampalaya Anonymous dahil may mga ilang hindi na nagkakasundo at lumalabas na kung sino talaga ang totoong maldita at nag-aampalaya sa kanila.
TSIKA LANG: Physically and mentally ready na si Richard Gutierrez sa nalalapit niyang pag-alis para sa Celebrity Edition ng Survivor Philippines.
Muntik na niyang nabanggit sa amin kung kailan ang alis niya, mabuti’t naalala niyang hindi pala puwedeng sabihin. Kahit ang ilang mga staff nga ay hindi pa alam kung saan gagawin ang Survivor Philippines. Sa airport na lang nila nalalaman kung saan ang exact location.
“Open ako sa mga ganitong adventures kaya excited ako. Kakaibang experience ito sa akin dahil lalabas na ako sa aking comfort zone at kailangan ma-survive ko rin ito,” pahayag ni Richard.
Hindi pa rin masagot sa amin ng aktor nang diretso kung sino ang mami-miss niya dito dahil matagal-tagal din siyang mawawala at hindi siya sure kung may signal ba sa lugar na pagtiteypingan nila. Kaya talagang pinaghandaan na niya itong panibagong challenge sa kanya.
Bago umalis si Richard ay ipu-promote muna niya ang pangatlong documentary na nagawa niya sa GMA News and Public Affairs, ang Wildlife for Sale na malapit nang ipalabas.