Parang totoo nga ’yung obserbasyon ng marami na nawawala sa eksena ang maganda at magaling ding aktres na si Nadine Samonte. Marami nang bagong palabas ang Kapuso Network pero parang walang naibibigay kay Nadine. Bakit?
Tama nga ang desisyon ng pangulo ng GMA na si Atty. Felipe Gozon na bigyan ng prayoridad sa kanilang mga programa ang mga homegrown talents nila, tulad ni Nadine na produkto ng Starstruck.
* * *
Talaga sigurong dapat wala nang makialam pa o sumawsaw sa gulo ng mag-asawang James at Kris Yap dahil napapasama lang sila. Gustuhin man nilang tumulong, mabibigyan ng ibang pakahulugan ang intensiyon nila at ultimately, masisisi pa sila.
Take a lesson from AiAi delas Alas na bayaran mo man ngayon ay talagang hindi makikialam o magbigay man lamang ng payo sa dalawa. Paano naging biktima na siya nun, nagkagalit pa sila ni Kris.
At si Boy Abunda na hindi naman nakialam pero nagsalita in his capacity as Kris’ manager, ayun nasabihan pa ng masama.
Kaya pabayaan na lamang natin ang mag-asawa na i-solve ang kanilang problema. Magkamali man sila, walang masisisi, sila lang ang mananagot. And they are both adult and mature enough to know how to handle their affair.
Pero ano nga ba ang nangyari ha?