Sunduan 2010 sa Binangonan

MANILA, Philippines - Ang Sunduan na isang matandang kau­ga­liang Pilipino ang bubuhayin at isasagawa sa bayan ng Binangonan, Rizal sa July 4, sa ganap na 2:00 ng hapon sa Ynares Plaza.

Susunduin ng mga binata ang mga dalagang kanilang nililiyag at ililibot sa bayan sa saliw ng tugtugan ng banda ng musiko na ang dalaga ay nakasuot ng terno at ang binata naman ay naka-barong Tagalog. Ang mga pares na binata at da­laga na kalahok sa Sunduan ay magtitipun-tipon sa liwasang bayan para sa isang programa at pag­pili ng Ginoo at Binibining Sunduan 2010.

Magpapamalas ng sayaw na Cotillion at Rigo­don de Honor na pangungunahan ni Mayor Boyet M. Ynares, Sangguniang Bayan, Asso­ciation of Ba­rangay Council, Sangguniang Kaba­taan Fe­deration at BYM Youth Group Special Prog­rams and Events sa pamumuno ni Bb. Rhea R. Ynares.

Show comments