Sunduan 2010 sa Binangonan
MANILA, Philippines - Ang Sunduan na isang matandang kaugaliang Pilipino ang bubuhayin at isasagawa sa bayan ng Binangonan, Rizal sa July 4, sa ganap na 2:00 ng hapon sa Ynares Plaza.
Susunduin ng mga binata ang mga dalagang kanilang nililiyag at ililibot sa bayan sa saliw ng tugtugan ng banda ng musiko na ang dalaga ay nakasuot ng terno at ang binata naman ay naka-barong Tagalog. Ang mga pares na binata at dalaga na kalahok sa Sunduan ay magtitipun-tipon sa liwasang bayan para sa isang programa at pagpili ng Ginoo at Binibining Sunduan 2010.
Magpapamalas ng sayaw na Cotillion at Rigodon de Honor na pangungunahan ni Mayor Boyet M. Ynares, Sangguniang Bayan, Association of Barangay Council, Sangguniang Kabataan Federation at BYM Youth Group Special Programs and Events sa pamumuno ni Bb. Rhea R. Ynares.
- Latest