Kahit may bantang pagputok, Richard nag-taping sa Taal volcano

Pinost ni direk Rico Gutierrez sa YouTube ang teaser ng Anatomy of a Disaster ng GMA 7 host­ed by Richard Gutierrez na malapit nang mapa­nood. Pinost din ni Raymond Gutierrez sa Twitter account niya ang link ng teaser kaya marami na ang nakapanood.

As the title suggests, tungkol sa disaster ang docu special at base sa teaser, ita-touch nito ang disaster na dala ng volcano eruption, fire, hurri­cane, flood, earthquake, landslide, tsunami at iba pang klase ng natural disaster.

Sa tweet ni direk Rico, nabanggit nitong hindi sila makalapit sa Taal volcano dahil alert level 2 at may instruction nagbabawal lumapit sa volcano, pero naunang na-tweet ni Raymond na nag-shoot ng spiel si Richard sa loob ng crater ng Taal vol­cano.

Bukod sa Anatomy of a Disaster, nag-shoot na rin si Richard ng documentary special na si direk Dante Garcia ang director. Tungkol naman ito sa wildlife trade smuggling, pero wala pang final title at wala pa ring airing date.

Tatapusin muna ni Richard ang docu special at Anatomy of a Disaster na weekly yata bago ito uma­lis to host Survivor Philippines : Celebrity Edition na sa Thailand daw gagawin. Kailangan ding tapos na ni Richard ang In Your Eyes movie nila nina Anne Curtis at Claudine Barretto.

* * *

Natutuwa ang pamilya at close friends ng ma­gandang aktres sa break-up nito sa naging BF na actor dahil matitigil na ang pagi­ging BI o bad in­fluence nito sa actress.

Noong magkarelasyon pa ang dalawa, tinuruan at sinulsulan daw ng actor ang GF na lumaban at sumagot sa ina ‘pag pinapagalitan. Impluwensiya rin ng ex ang pag-alis sa bahay ng actress ng hindi nagpapaalam sa mga kasama sa bahay dahil karapatan daw niya ‘yun.

Dahil sobrang in-love, kahit mali ang payo sinusunod ng actress at ‘di mapagsabihan dahil naga­galit. Dininig ang dasal ng pamilya ng actress na ma-realize nitong mali ang ginagawa dahil hindi lang ito nagising, nakipag-break pa sa actor.

Normal na uli ang buhay ng actress, balik na siya sa pagiging mabait at nakikinig sa payo ng pa­milya. Ang mas maganda pa, nakahanap siya ng BF na good influence sa kanya.

* * *

Kasama ni Marco Alcaraz ang GF niyang si Lara Quigaman sa red carpet premiere ng End­less Love, pero hindi na ito umakyat sa SM Mega­mall at sabi ng actor may lakad ito. Ganun, inihatid lang siya ni Lara sa SM Megamall?

Masayang ibinalita ni Marco na nakapag-taping na siya sa Endless Love at tuloy na sa pagganap bilang bestfriend ni Dingdong Dantes. May mga balita kasing ipu-pull out siya dala ng conflict niya sa kanyang former manager. Ang isyu rin sa dating manager ang rason kung bakit almost five months siyang walang regular show.

Hindi sinayang si Marco ang panahong wala siyang show, nagbakasyon sila ni Lara at nag-ac­ting workshop siya at nagpaganda ng katawan at nga­yon, feeling niya, handang-handa na siyang su­mabak uli sa trabaho.

Hindi pa rin nagkikita’t nagkakausap sina Marco at former manager niyang in fairness, nababanggit niya ang pangalan. Wish nitong maayos na ang prob­lema nila para pareho silang wala nang dina­dala sa isip at dibdib.

Second time na ni Marco na makasama sina Dingdong at Marian dahil kasama rin siya sa Dye­sebel at isa siya sa mga saksi sa pag-bloom ng re­lasyon ng dalawa.

* * *

Kahit bumebenta ang kanyang Perhaps Love album, tuloy pa rin ang pagpo-promote ni Aiza Se­guer­ra at pagkatapos ng mall tour niya sa SM Tar­lac kahapon, sa SM Baguio naman siya may mall tour ngayon at bukas, sa SM Rosales ang kanyang Perhaps Love on Tour.

Show comments