Glaiza de Castro, guest sa I Laugh Sabado

MANILA, Philippines - Hihirit na naman ang wacky gang ng I Laugh Sabado ng kakaibang laugh trip sa weekend primetime!

Ngayong Sabado (June 26), sasa­mahan ng Kapuso primetime kontrabida na si Glaiza de Castro ang I Laugh Sabado mainstays na sina Wally Bayola, Paolo Paraiso, Gee Canlas, Janna Do­minguez, Jan Manual, Alfred Marquez at Archie Alemania sa paghahatid ng gags at sketches na siguradong kikiliti sa mga manonood.

Patutunayan ni Glaiza na hindi lang pakikipagtarayan bilang kontrabida ang kaya niyang gawin kundi pati na ang pakikipagkulitan bilang isang comedienne, dahil ngayong Sabado, bibida si Glaiza sa isang gag na tungkol sa mga terorista.

Magbabalik naman sa comedy stage ng I Laugh Sabado ang paboritong boy group ng mga manonood na XLR8 sa sketch na School of Uso. Sagot naman ng bandang Eevee ang alternative music na siguradong kukumpleto sa Saturday night viewing experience ng mga manonood.

Mapapanood ang I Laugh Sabado tuwing Sabado, 8:30 p.m, sa Q Channel 11

Show comments