MANILA, Philippines - Maraming dahilan kung bakit ang mga lalake’t babae’y nagbabawas ng timbang. Di lang sila pumoporma kundi mahalaga ito para sa kalusugan, sa uri ng trabaho at siyempre pa, pati na rin sa lovelife.
Tampok ngayong Linggo alas-diyes ng umaga sa Q-11 celebrity talk show na Life and Style with Gandang Ricky Reyes ang mga kilala sa pagpapaganda ng mukha at katawang sina Dr. Manny Calayan ng Calayan Surgical Center at Dr. Eduardo Santos ng Beverly Hills 6750.
Madalas nating marinig ang pagdidiyeta ng mga celebrity sa pamamagitan ng South Beach at No Meal After Six. Alam ba ninyo kung ano ang mga ito?
Sa programa’y may testimonial ang mga taong sumubok na nito at nakamit ang hangad na timbang.
Ipakikita rin ang pampaliit ng katawang mga ehersisyo tulad ng yoga, work out sa gym at running. Pati na mga sports tulad ng badminton, swimming, rowing at biking. Patunay lang na ang pagpapapawis ay epektibong paraan.
Kung type ninyong magpaseksi o magpamacho.
Sa Great Hair Day ay may demo on the air muli si Mader RR at co-host Janna Dominguez ng mga simpleng paraan ng pag-aayos ng buhok at mukha para sa mga estudyanteng balik-eskuwela.
Ang LSWGRR ay produksiyon ng ScriptoVision.