^

PSN Showbiz

Usapang Kagandahan sa Life And Style

-

MANILA, Philippines - Maraming dahilan kung bakit ang mga lalake’t ba­bae’y nagbabawas ng timbang. Di lang sila pumo­porma kundi mahalaga ito para sa kalusugan, sa uri ng trabaho at siyempre pa, pati na rin sa lovelife.

Tampok ngayong Linggo alas-diyes ng umaga sa Q-11 celebrity talk show na Life and Style with Gan­dang Ricky Reyes ang mga kilala sa pagpa­pa­ganda ng mukha at katawang sina Dr. Manny Cala­yan ng Calayan Surgical Center at Dr. Eduardo San­tos ng Beverly Hills 6750.  

Madalas nating marinig ang pagdidiyeta ng mga celebrity sa pamamagitan ng South Beach at No Meal After Six. Alam ba ninyo kung ano ang mga ito?

Sa programa’y may testimonial ang mga taong sumubok na nito at nakamit ang hangad na timbang.

Ipakikita rin ang pampaliit ng katawang mga eher­sisyo tulad ng yoga, work out sa gym at running. Pati na mga sports tulad ng badminton, swimming, rowing at biking. Patunay lang na ang pagpapapawis ay epek­tibong paraan.

Kung type ninyong magpaseksi o magpamacho.

Sa Great Hair Day ay may demo on the air muli si Mader RR at co-host Janna Dominguez ng mga sim­pleng paraan ng pag-aayos ng buhok at mukha para sa mga estudyanteng balik-eskuwela.

Ang LSWGRR ay produksiyon ng ScriptoVision

BEVERLY HILLS

CALAYAN SURGICAL CENTER

EDUARDO SAN

JANNA DOMINGUEZ

LIFE AND STYLE

MANNY CALA

NO MEAL AFTER SIX

RICKY REYES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with