^

PSN Showbiz

Anak ng singer, buntis?

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Natawa lang si Ms. Girlie Rodis sa tanong kung totoong nagdo-droga si Geneva Cruz.

May duda kasi ang ilan na nagti-take ng drugs ang singer dahil minsan daw ay para itong pra­ning kung magsalita. “Paano siya magiging durugista eh everyday nagwo-workout sila ni Rachel (Alejandro). Meron silang trainer na British, ang guwapo,” sagot ni Ms. GR. Hindi siya actually ang manager ni Geneva, pero best­friend ito ng alaga niyang si Rachel kaya nasu­subaybayan niya ang buhay nito.

Dalawang oras daw everyday ang workout ng dalawa sa Rockwell with their PT (personal trainor). “Kung nagda-drugs ‘yun, hindi niya ka­ka­yaning mag-workout ng ganun,” dagdag ni GR na aalis na naman ng bansa. (Jetsetter kasi itong si Ms. GR at parang mas matagal pa siyang nasa abroad kesa nasa ‘Pinas.)

Besides, vegetarian daw si Geneva. As in hin­di kumakain ng isda o karne.

Kasama na rin daw ito sa stage play na Le­gally Blonde kung saan bida si Nikki Gil. May pagka-aning (‘baliw’) lang daw talaga ito min­san.

Bukod kay Rachel, alaga rin niya si Ms. Jo­an­na Ampil na kama­kailan lang ay sina­mahan naman niya sa Korea.

Nakakalat daw sa buong Korea ang mukha ni Ms. Joanna dahil ang picture pala ng alaga niya ang ginagamit sa tour ng Miss Saigon. May mga fans din daw si Joanna sa nasabing bansa.

Nagpunta sila doon para sa One Asia Music Festival in Seoul, Korea.

Kaya nga iri-release raw doon ang album ni Joanna.

* * *

May natanggap akong private message sa facebook. Tinatanong niya kung totoong magi­ging lolo na ang isang singer. Nakita raw nila ang anak ng singer na malaki ang tiyan.

Showbiz din ang asawa ng singer na min­sang nabalitang naghiwalay silang mag-asawa pero nagkabalikan din.

Well, wala akong nababalitaang preggy na ang anak ng showbiz couple na ito although walang may alam kung nasaan ang panganay nila (showbiz couple) na minsan ding nag-showbiz.

Matawagan nga ang isang taong malapit sa singer.

* * *

Dalawang TV host ang bawal na bawal mag-interview sa mga artista ng ABS-CBN.

Ayon sa source, ang dalawang pangalan ang parating paalala ng mga road manager ng mga alaga ng Dos na hindi puwedeng kausapin.

Nakatatak daw ang pangalan ng dalawang TV host kaya asahang hindi makikita ang dala­wa sa event na present ang mga Kapamilya stars or kung dumating man ang dalawa, sigu­radong hindi siya makakasingit sa mga alagang artista ng ABS-CBN.

* * *

Pagkatapos ng mahigit dalawang dekada sa ere, magpapaalam muna ang lingguhang programang nagsimula ng investigative journalism sa kasaysayan ng telebisyon sa bansa.

Nagsimulang mag-imbestiga sa pinaka­importanteng isyu at personalidad sa Pilipinas ang Probe noong panahon ni dating pangulong Corazon Aquino. At sa napipintong pama­mahinga nito, siniyasat ng programa ang naging lakbay patungong Malacañang Palace ng anak ni Cory na si President-elect Noynoy Aquino.

Sa ilalim ng gabay ng pangunahing anchor nito na si Che-Che Lazaro, nakilala ang Probe sa pag-angat sa mga news and public affairs programs dahil sa matapang at malinaw na pag-uulat at pagiging world-class na produksiyon - mula Probe noong 1986 hanggang maging The Probe Team, The Probe Team Documentaries, Probe uli sa pagba­balik nito sa ABS-CBN, at sa wakas, Probe Profiles.

Nagbagu-bago man ang titulo nito at tahanang network sa loob ng 24 taon, hindi naman nagbago ang paninindigan ng programa na handang kumuwestiyon sa mga iregularidad sa gobyerno at lipunan, ilahad ang kuwento ng mga kalamidad mula Mt. Pinatubo eruption hanggang Ondoy, at itampok ang mga suliranin at isyu sa lipunan nang hindi lumilihis sa mga pamantayan ng pamamahayag.

Habang patuloy na nadadagdagan ang may 40 tropeong tinanggap ng programa, patuloy ding umaangat si Lazaro bilang isang institusyon sa larangan ng broadcasting. Ilan pa sa mga batikang broadcast jour­nalists na naging parte ng Probe sina Karen Davila, Bernadette Sem­brano, Pinky Webb, Twink Macaraig, David Celdran, Tony Velasquez, at si ABS-CBN Head of News Current Affairs Maria Ressa, na kasama ni Lazaro at ng dalawa pang broadcast journalists sa pagtatatag ng Probe noong 1986.

Ani Lazaro, patuloy ang Probe Productions Inc. sa paggawa ng mga proyekto at maaaring magbalik pa sa telebisyon. Kasalukuyan na­mang anchor si Cheche sa Media in Focus sa ANC, the ABS-CBN News Channel

Panoorin ang huling episode ng Probe Profiles, Miyerkules, pagkatapos ng Bandila  sa ABS-CBN.  

ANI LAZARO

BERNADETTE SEM

CHE-CHE LAZARO

CORAZON AQUINO

DAW

PROBE

PROBE PROFILES

RACHEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with