Kris parang prinsesa kay Daniel

Yes, katatapus-tapos pa lamang ng eleksiyon pero ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ni AiAi delas Alas ang gagawin niyang pag­pasok sa pu­litika sa susunod na eleksiyon. Hindi niya ito ipinag­lilihim, tahasan niya itong sinasabi.

Hindi kailangan ni AiAi na bumalik pa ng isku­wela. Tapos siya ng kursong MassCom. Naka-graduate din siya ng culinary course pero sinu­sunod niya ang payo ng kanyang manager na si Boy Abunda na huwag siyang basta susugod sa isang labanan na wala siyang sandata, kaya bumalik siya ng iskuwela, sa UP na kung saan apat na taon siyang magsusunog ng kilay para ma­katapos ng Public Administration, isang kaalaman na puwedeng matutunan sa isang crash course pero mas pinili niyang matapos bilang isang kurso.

 “Gusto kong matutunan lahat ng aspeto na may kinalaman sa mundong papasukin ko in the future. Matagal pa naman ito pero gusto kong mapaghandaan para hindi naman kahiya-hiya lalo na sa mga mababa ang tingin sa aming mga taga-showbiz,” anang comedy queen na sa kabila ng kanyang kaabalahan, may sisimulan siyang sitcom with Aga Muhlach at may mga naka-schedule na concerts.

* * *

O ‘di inamin din ni John Lloyd Cruz na sila na nga ni Shaina Magdayao. Dalawang bagay ‘yun kaya siya umamin finally. Una, baka hindi siya maka-hindi kay Boy Abun­da. Ikalawa, baka dumating na ang hinihintay niyang tamang panahon para magsabi siya ng totoo.

Pinupuri ko rin ang pagiging gentleman niya sa hindi pagbibigay ng detalye sa isyu sa kanila ni Sarah Geronimo bilang respeto dito at sa kanyang mga magulang. Sapat nang sabihin niya na isang mahalagang bahagi ito ng kanyang buhay.

* * *

Kumpara sa Brazilian hunk na si Daniel Matsunaga, walang-wala si Aljur Abrenica kung pagka-maginoo at pagiging maalalahanin kay Kris Bernal ang pag-uusapan. Nakita ko kasi minsan kung paano pinabayaan ni Aljur ang kanyang ka-loveteam na halos magkandakuba na sa pagbitbit ng kanyang maleta habang si Aljur ay hindi man lang nag-alok ng tulong na magbitbit ng kanyang mabigat na dalahin at tuluy-tuloy lamang sa kanilang sasakyang van. Hindi pa gaanong nagtatagal ang samahan nina Kris at Daniel pero umingit lang siya na nauuhaw ay binibigyan na siya agad nito ng kung hindi tubig ay juice.

Kapag nagugutom siya ay agad nagpapabili ito o ‘di kaya naman ay ito mismo ang bumibili ng pagkain. Kung hindi man siya tinulungan ni Aljur na magbitbit ng maleta, kung may kailangan siya na nasa loob ng kanyang maleta ay si Daniel mismo ang kumukuha.

 “Pinangarap ko lang na makita siya nun pero kapareha ko pa siya ngayon, at pinagsisilbihan niya ako na parang isang prinsesa, wala na akong mahihiling pa,” ani Kris.

Show comments