Leonardo Di Caprio sa Bicol dederetso

Napansin naming may mga tattoo sa kani-kan­yang wrists sina Maxene Magalona at Cristine Reyes. May tattoo rin in the same spot si Glaiza de Castro na hindi member ng Ampa­laya Anonymous at kung nagkataong member ito, iisipin naming hindi pa disbanded ang AA gaya nang in-announce ng mga member nito.

Hindi pa namin nakikita ang tattoo ng tatlo, pero isang repor­ter ang nakabasa sa tattoo ni Max­ene in French ng “La fille papa” na ang ibig daw sabihin ay Papa’s Girl.

Na-tweet naman ni Cristine na hindi alam ng mommy niyang nagpa-tattoo siya at nang makita ng ina ang tattoo ay muntik itong himatayin.

Ano kaya ang meaning ng tattoos ni Cristine at tattoo ni Glaiza at curious kaming malaman kung may tattoo ang ibang AA members na sina Bub­bles Paraiso, Bianca King at Angel Locsin.

* * *

May mga hindi naniniwala sa nabalitang pag­dating ni Leo­nardo Di Caprio sa bansa next year para sa isang big en­viron­mental event sa isang lugar sa Bicol. Sabi ng mga ko­mon­­tra sa ba­lita, malabong magkatotoo ang pagdating ng Holly­wood A-lister actor dahil busy ito at walang rason para pumunta rito.

Pero may bago kaming nasagap na balita, hindi na next year, kundi sa November this year na raw bibisita sa bansa si Di Caprio at sa Misibis Bay sa may Bicol daw ito at tungkol nga sa environment ang ipupunta ng actor.

Kaya lang, ‘wag daw mag-expect na makikita ng kanyang fans ang actor dahil posibleng private plane ang sasakyan nito, walang stop-over sa Ma­nila at deretso sa Bicol.

Ayan, may konting details na at para mapa­tu­nayan kung totoo o false alarm ang Di Caprio visit, hintayin na lang natin ang pagdating ng November o next year.

* * *

Sina Rachelle Ann Go at Carlo Aquino ang dagdag na guests ng Diva at this Wednesday epi­sode, papasok si Caridad Sanchez sa role ni Are­tha Abdullah na makikilala ni Melody (Regine Ve­las­quez) sa home for the aged, kung saan nag-cha­rity show sila ni Tiffany (Glaiza de Castro) sa utos ng GMA Network para pagtakpan ang gulo sa picto­rial ng dalawa.

Magsasama sa isang show sina Melody at Tiffany at dito lalong iigting ang rivalry ng dalawang diva. Dito rin papasok ang dagdag pang guests ng kantaserye at hinihintay ng fans ang paggi-guest ni Richard Gutierrez.

Anyway, kilig na kilig si Melody nang bigyan ng sulat ni Martin (TJ Tri­ni­dad) at flowers without knowing na si Gary (Mark Anthony Fer­nandez) ang gumawa ng sulat. Hindi alam ni Martin na in-love rin si Gary kay Melody.

Show comments