Kim nahihiya sa ibang artista

Seen : Ang panawagan ni Erwin Tulfo sa mga kapatid ni P-Noy na hayaan ito na magdesisyon para sa sarili. Huwag nilang gawing tanga at bobo si P-Noy. Huwag makialam si Kris Aquino sa mga isyu sa senado dahil nasa showbiz siya. Nagbanta si Erwin na ito ang unang babanat kay P-Noy kapag hindi tumigil sa pakikialam ang ‘Kamag-anak Inc.’

Scene : Humihingi ng paliwanag ang Artist Center kay Aljur Abre­nica   sa pag-alis nito sa anniversary show ng GMA 7 sa Araneta Coli­seum noong Biyernes. Dalawang production number ang hindi ginawa ni Aljur dahil umalis ito nang walang paalam.

Seen : Global Achievement Award ang tinanggap kagabi ni Gina Pareno mula sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foun­dation, ang organizer ng Box-Office King & Queen Awards. Idina­os ang awards ceremony sa RCBC Plaza Auditorium.

Scene : Late si Kim Chiu sa unveiling kahapon ng 100 Most Beau­tiful Stars ng YES Magazine. Nahihiya si Kim sa ibang mga ar­­tista dahil siya ang napili na cover girl ng Most Beautiful Stars issue.

Seen : Naaalangan ang ABS-CBN na ialok kay Cesar Montano ang hosting job ng Wowowee dahil ipinagluluksa pa niya ang pag­ka­ma­tay ng kanyang anak na si Angelo.

Scene: Twist & Shout ang title ng musical game show nina Martin Nievera at Gary Valenciano sa ABS-CBN.

Seen : Prayers para sa kanyang ama na naka-confine sa ICU ang request ni Donita Rose sa kanyang mga kaibigan. Si Donita ang na­hi­hi­rapan sa sitwasyon ng kanyang American father.

Scene : Hindi kasali sa Most Beautiful List ng YES Magazine si Krista Kleiner. Hindi nakatiis si Jay-R na sabihin na si Krista ang pina­ka­magandang babae para sa kanya. Girlfriend ni Jay-R si Krista.

Show comments