MANILA, Philippines - Pinatunayang muli ng Star Cinema ang kakayahan nitong ibigay sa mga manonood ang kanilang hiling. Isa na nga rito ay ang pagsasama ng mag-amang sina Gabby and KC Concepcion sa isang momentous event, kasabay ng pagsibol ng panibagong loveteam sa movie industry – Jericho Rosales and KC sa pelikulang I’ll Be There.
Hindi rin makapaniwala si Jericho Rosales, na gumanap bilang love interest at confidante ni KC sa laki ng kita ng pelikula. “May mga awkward moments kami nung una pero, ang bilis naming nag-adjust. Napahanga ako ni KC sa galing niyang mag-deliver ng dialogues. Saludo rin ako kay Bugoy Carino (gumanap bilang anak ni Jericho). Para siyang sponge, ang daling makakuha ng instructions nung workshop at habang ginagawa namin ang pelikula….
Nung tanungin siya tungkol sa kakaibang chemistry nila ni KC ay makahulugan ang ngiti ng binata. “I am really overwhelmed sa natanggap kong feedback pero magaan po talagang katrabaho si KC lalo na kung may magaling kang director na katulad ni Direk Maryo J.”
Malaki naman ang pasasalamat ni Gabby sa Star Cinema. “Isa pong malaking karangalan sa akin na makasama si KC sa isang pelikulang sumasalamin sa buhay ng mag-ama na nawalay sa isa’t isa at ang pagtitiwala at suporta ng Star Cinema sa isang napakalaking event sa buhay namin,” pahayag ni Gabby sa isang interview.
Ang I’ll Be There ay isang istorya ng mag-ama na naghiwalay at muling nag-krus ang landas.