^

PSN Showbiz

Jericho nag-enjoy kay KC

-

MANILA, Philippines - Pinatunayang muli ng Star Cinema ang kaka­yahan nitong ibigay sa mga manonood ang ka­­ni­lang hiling. Isa na nga rito ay ang pagsasama ng mag-amang sina Gabby and KC Concepcion sa isang momentous event, kasabay ng pagsibol ng panibagong loveteam sa movie industry – Jeri­cho Rosales and KC sa pelikulang I’ll Be There.

Hindi rin makapaniwala si Jericho Rosales, na gumanap bilang love interest at confidante ni KC sa laki ng kita ng pelikula. “May mga awk­ward moments kami nung una pero, ang bilis naming nag-adjust. Napahanga ako ni KC sa galing niyang mag-deliver ng dialogues. Saludo rin ako kay Bugoy Carino (gumanap bilang anak ni Jericho). Para siyang sponge, ang daling makaku­ha ng instructions nung workshop at habang ginagawa namin ang pelikula….

Nung tanungin siya tungkol sa kakaibang che­mistry nila ni KC ay makahulugan ang ngiti ng bina­ta. “I am really overwhelmed sa natanggap kong feedback pero magaan po talagang katra­baho si KC lalo na kung may magaling kang direc­tor na katulad ni Direk Maryo J.”

Malaki naman ang pasasalamat ni Gabby sa Star Cinema. “Isa pong malaking karangalan sa akin na makasama si KC sa isang pelikulang su­ma­salamin sa buhay ng mag-ama na nawalay sa isa’t isa at ang pagtitiwala at suporta ng Star Cinema sa isang napakalaking event sa buhay namin,” pahayag ni Gabby sa isang interview.

Ang I’ll Be There ay isang istorya ng mag-ama na naghiwalay at muling nag-krus ang landas. 

ANG I

BE THERE

BUGOY CARINO

CONCEPCION

DIREK

ISA

JERICHO ROSALES

MARYO J

SHY

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with