Mariel kinikilatis pa!
Kinikilatis pa ni Robin Padilla si Mariel Rodriguez bago niya ito ligawan? ’Di ba parang nakakainsulto naman ito para sa female host dahil naghahabol ba siya sa action star? Eh siya itong dalaga pero lumalabas na siya pa ang may kakulangan para lamang magkaroon sila ng relasyon ng actor?
Matanong ko nga, wala pa bang relasyon ang dalawa? Eh bakit parang lumalabas na meron na at mismong ang anak ni Binoe ang naniniwalang meron nga. Ano ba talaga ang totoo?
***
O, kita n’yo na, lumabas na nilalaro lamang ni Gretchen Barretto si Derek Ramsay na siguro ay natipuhan niya pero I’m sure aware siya na dyowa nito si Angelica Panganiban kaya she should keep her distance. Hindi naman siguro siya tipong magwawasak ng relasyon nina Derek at Angel.
***
Congratulations kay Rayver Cruz, isa siya sa kakaunting taga-showbiz na nakatapos ng kolehiyo. Nag-graduate siya sa kursong BS in Business Administration major in Management sa St. Francis of Assissi College, ito ay sa kabila ng kaabalahan niya sa kanyang career.
***
Tinanggap naman ng maayos ni Direk Maryo J. delos Reyes ang apology ng Star Cinema sa hindi pagkakalagay ng pangalan niya bilang director ng very big hit na I’ll Be There, ang Gabby at KC Concepcion starrer. Nai-credit kasi ang direction nito kay Cathy Garcia-Molina, isa ring mahusay na director sa bakuran ng ABS-CBN.
Wala naman sigurong gustong mangyari ito pero isang leksiyon ito na dapat matutunan para maiwasan sa mga susunod na pagkakataon dahil talagang malaking kasalanan sa maapektuhan, in this case, kay Maryo J.
- Latest