^

PSN Showbiz

Fans ni Sarah imbyernang-imbyerna kay Rayver

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Si Jeng Bauto ng Makati City ang winner ng aking pa-contest tungkol sa cover girl ng Most Beautiful issue ng YES! Magazine.

Nahulaan ni Jeng na si Kim Chiu ang cover girl ng Most Beautiful issue kaya makatatanggap siya ng kopya ng magazine with matching datung mula sa akin.

Bilib ako kay Jeng dahil nahulaan niya ang sagot, kahit hindi pa lumalabas sa mga maga­zine stand ang YES issue na pinakahi­hintay ng lahat.

Congrats sa kanya at pakihintay na lang ang pagdating sa bahay mo ng premyo mo!

***

Positive ang feedback na natanggap ko mula sa televiewers na nakapanood sa Don’t Lie To Me Papa segment ni Paolo Contis sa Showbiz Central noong Linggo.

Nag-enjoy daw sila kay Paolo dahil magaling pala itong sumayaw. Nalimutan yata ng tele­viewers na hasang-hasa si Paolo sa pagsayaw dahil may dance group sila noon nina John Lloyd Cruz, Patrick Garcia at ng ibang male stars ng Tabing-Ilog na hindi ko na matandaan ang mga name.

Ilang linggo nang co-host si Paolo ng Showbiz Central at base sa feedback na naririnig at nata­tanggap ko, marami ang may gusto na maging permanent co-host siya ng Sunday showbiz talkshow ng GMA 7.

***

Alam n’yo ba na walang kahilig-hilig sa pag­kanta si Gabby Concepcion noong matinee idol pa siya?

Talagang tumatanggi si Gabby na kumanta pero wala siyang magawa kapag sinabi ko na nasingil ko na kay Mother Lily ang talent fee niya sa pagkanta.

Nasanay si Gabby na kumanta at nagbunga ang mga pangungulit ko sa kanya dahil ang pagkanta ang naging raket niya noong mag-self-exile siya sa Amerika.

Napapa-smile na lang ako sa tuwing napa­panood ko ang mga promo guesting ni Gabby para sa kanyang mga record album.

Sino ang mag-aakala na magiging professio­nal singer siya at magkakaroon ng mga concert?

***

Imbiyerna ang fans ni Sarah Geronimo kay Rayver Cruz dahil patuloy daw ito sa pagpa­pain­terbyu tungkol sa kanilang idol.

Ang feeling ng fans ni Sarah na mahilig mag-react, ginagamit na lang ni Rayver ang singer-actress para magkaroon ng libreng publicity.

Hindi na nga raw nagsasalita si Sarah pero putak pa rin nang putak si Rayver at dahil sa gina­gawa nito, lalo silang nawalan ng gana sa young actor. Feel na feel daw nila na nag-e-enjoy si Rayver sa pagsagot ng questions about Sarah.

***

Magkakaroon ng press preview ang GMA 7 para sa Endless Love. Ganito ang ginawa nila noon sa Stairway To Heaven na nag-click sa televiewers dahil sa positive feedback at reviews mula sa entertainment press.

Ang Endless Love ang bagong TV series nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ma­laki ang tsansa na sumikat din ang mga guma­nap na young Dingdong at young Marian sa Endless Love, gaya ng nangyari kina Barbie For­teza at Joshua Dionisio na nagkaroon ng showbiz career dahil sa pagganap nila bilang young Dingdong at young Rhian Ramos sa Stairway To Heaven.

vuukle comment

ANG ENDLESS LOVE

BARBIE FOR

DAHIL

ENDLESS LOVE

MOST BEAUTIFUL

RAYVER

SHOWBIZ CENTRAL

SHY

STAIRWAY TO HEAVEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with