Pia Magalona inagawan ng eksena ang mga anak

SEEN: Annoying na ang mga VTR interviews kay Pia Magalona dahil naaagawan na niya ng eksena ang kanyang mga anak na higit na may karapatan na mag-showbiz.

SCENE: Tensyonadung-tensyonado si Aljur Abrenica sa guesting niya sa Startalk noong Sabado dahil si Ricky Lo ang nag-interbyu sa kanya.

Si Ricky ang nagsulat na Denial Prince si Al­jur dahil patuloy ang pagsisinungaling nito tung­kol sa naging relasyon nila noon ni Rich Asuncion.

SEEN: “Happy Father’s Day to all respon­sible fathers” ang bati ni Richard Gomez sa lahat ng mga ama.

Proud husband si Richard sa oath-taking ceremony ni Lucy Torres bilang congress­woman ng Ormoc noong nakaraang Biyernes.

SCENE: Trying hard ang pagpapa-sexy ni Kyla sa opening number niya sa Party Pilipinas.

Sintunado ang kanyang boses dahil hindi siya komportable sa pagpapa-sexy niya.

SEEN: Nag-enroll si Zoren Legaspi sa Center for Culinary Arts dahil pangarap din niya na maging chef.

SCENE: Mababait na hosts sina Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano, Christian Bautista, at Vina Morales.

Wala silang reaksyon sa maling pronun­ciation ni Jovit Baldivino sa English word na “debut.”

SEEN: Non-issue ang kissing scene nina Danita Paner at JC De Vera.

Walang malisya ang split-second kissing scene nila sa drama anthology ni JC.

SCENE: Nakakasuya na ang mga isyu tung­kol sa Ampalaya Anonymous. Dapat nang tumigil sa pagsasalita ang mga aktres na identified sa Ampalaya Anonymous dahil nagi­ging mga nega na sila.

Show comments