^

PSN Showbiz

Sen. Villar at Gibo nagkuwento tungkol sa pagiging ama kay Mother Ricky

-

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo na ipinagdiriwang ang Father’s Day kaya naman sa QTV-11 show na Life and Style with Gan­dang Ricky Reyes ay dalawang ginoong ‘di lang dakila sa public service kun­­di pati sa pagiging haligi ng tahanan ang itatampok. Sila’y sina Sen. Manny Bamba Villar, Jr. at Sec. Gilberto Co­juang­co, Teodoro Jr.

Ipinanganak sa Tondo nung December 11, 1949 si Man­ny na unang nanungkulan bilang kongresista ng Las Pinas nung 1992 at senador nung 2001. Ang dating Rep. Cynthia Aguilar ang kanyang kabiyak at sila’y biniyayaan ng tatlong anak – Manuel Paolo Villar III, Mark at Camila Linda na lahat ay puro pa­puri ang maririnig tungkol sa mapagmahal na ama.

Three term-member ng House of Representatives for the 1st district of Tarlac si Gibo hanggang hirangin siya ni Pres. Glo­­ria Macapagal-Arroyo na Secretary of National Defense taong 2007 hanggang 2009.  

Ang maganda at mabait na kabiyak ni Gibo na si Monica Prie­to ang 1st District of Tarlac representative ngayon. Isa lang ang anak ng mga Teodoro na si Jaime Gilberto na iti­nu­turing na napakapalad niya sa pagkakaroon ng amang tulad ni Gibo.

Sa huling Linggo ng June ay may final demo si Mader Ricky sa Great Hair Day ng mga hair style at make-up para sa June brides na ang co-host ay si Janna Do­minguez.

vuukle comment

CAMILA LINDA

CYNTHIA AGUILAR

DISTRICT OF TARLAC

GIBO

GILBERTO CO

GREAT HAIR DAY

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JAIME GILBERTO

JANNA DO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with