Iza nagtitiis sa pa-extra extrang trabaho sa GMA 7

Kung sa iba nangyayari ‘yung anim na buwan na siyang walang regular na proyekto at pasingit-singit lang sa mga programang 24 Oras nang uma­bsent si Pia Guanio, Panday Kids, Party Pili­pinas, at Kap’s Amazing Stories, baka nag-alsa balutan na si Iza Calzado at pumunta na sa kala­bang istas­yon ng GMA 7. After all, maganda siya, maga­ling umarte, maganda ang record at nagawa nang ma­pa­angat ang kanyang status nang walang kina­kapitang tao, kahit pa ang ma­nager niya ay ang kan­yang ama na isa ring direk­tor sa GMA. Para nga walang maging prob­lema sa parte niya, baka hindi makahirit ang kanyang ama sa network dahil dun din ito nagta­tra­baho, ku­muha si Iza ng isa pang manager na ma­ka­ka­tuwang ng kanyang ama sa pagpa­pa­takbo ng kan­yang career. Sayang nga dahil hanggang sa susunod na taon pa ang kontrata ni Iza sa GMA, at matapos man ito, may karapatan itong ipagpatuloy ang kan­yang kontrata. Kung hindi ay baka nasa Kapatid network na siya ngayon dahil dun naman konektado ang bago niyang manager.

Wala namang problema dito si Iza, masaya na­man siya at hindi mareklamo. Kahit nararam­daman niyang kaila­ngan na niyang mapunan ang mga pangangailangan niyang pinansiyal. Wish na lang niya na makagawa ng milagro ang mga hu­mahawak sa kanyang career bago pa mahuli ang lahat. Marami namang proyekto sa GMA, isa man lamang sa mga ito ay maibigay sa kanya ay okay na.

“Ayaw ko munang isipin, pero sana hindi na ito magtagal pa,” sabi ng aktres na tila hindi napapahalagahan ang na-achieve niya bilang artista.

* * *

Magkakaroon ng update ang Showbiz Central kay Maxene Magalona tungkol sa mga isyu na may kinalaman sa kanyang lovelife.

Sa tsismis buster, hulaan itong dating teenstar na nakikitira na lamang sa mga kababayan niyang Pilipino sa abroad. Wala itong pinag­kakakitaan da­hil walang papeles at nagti-TNT lang.

Sundan ang kuwento sa likod ng mga intriga ngayong hapon sa programa ng Siete.

Show comments