Iza nagtitiis sa pa-extra extrang trabaho sa GMA 7
Kung sa iba nangyayari ‘yung anim na buwan na siyang walang regular na proyekto at pasingit-singit lang sa mga programang 24 Oras nang umabsent si Pia Guanio, Panday Kids, Party Pilipinas, at Kap’s Amazing Stories, baka nag-alsa balutan na si Iza Calzado at pumunta na sa kalabang istasyon ng GMA 7. After all, maganda siya, magaling umarte, maganda ang record at nagawa nang mapaangat ang kanyang status nang walang kinakapitang tao, kahit pa ang manager niya ay ang kanyang ama na isa ring direktor sa GMA. Para nga walang maging problema sa parte niya, baka hindi makahirit ang kanyang ama sa network dahil dun din ito nagtatrabaho, kumuha si Iza ng isa pang manager na makakatuwang ng kanyang ama sa pagpapatakbo ng kanyang career. Sayang nga dahil hanggang sa susunod na taon pa ang kontrata ni Iza sa GMA, at matapos man ito, may karapatan itong ipagpatuloy ang kanyang kontrata. Kung hindi ay baka nasa Kapatid network na siya ngayon dahil dun naman konektado ang bago niyang manager.
Wala namang problema dito si Iza, masaya naman siya at hindi mareklamo. Kahit nararamdaman niyang kailangan na niyang mapunan ang mga pangangailangan niyang pinansiyal. Wish na lang niya na makagawa ng milagro ang mga humahawak sa kanyang career bago pa mahuli ang lahat. Marami namang proyekto sa GMA, isa man lamang sa mga ito ay maibigay sa kanya ay okay na.
“Ayaw ko munang isipin, pero sana hindi na ito magtagal pa,” sabi ng aktres na tila hindi napapahalagahan ang na-achieve niya bilang artista.
* * *
Magkakaroon ng update ang Showbiz Central kay Maxene Magalona tungkol sa mga isyu na may kinalaman sa kanyang lovelife.
Sa tsismis buster, hulaan itong dating teenstar na nakikitira na lamang sa mga kababayan niyang Pilipino sa abroad. Wala itong pinagkakakitaan dahil walang papeles at nagti-TNT lang.
Sundan ang kuwento sa likod ng mga intriga ngayong hapon sa programa ng Siete.
- Latest