Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nawawala ang sama ng loob ng isang aktres (aktres A) sa isang aktres din (aktres B). Hindi malimut-limutan ni Aktres A ang masamang ugaling ipinakita ng Aktres B sa kanya noong medyo bagets pa sila sa isang event.
Mahigit isang dekada na ang nasabing insidente pero ramdam pa rin daw ni aktres A ang sakit ng loob sa may pagka-matapobreng actress/TV host.
Minata-mata raw ni Aktres B si Aktres A na narinig ng kanyang nanay kaya simula noon ay umiwas na si Aktres A at ang kanyang nanay na makita at makasama si Aktres B.
Pareho pang sikat ang dalawang aktres. Parehong bongga ang kani-kanilang career – magkaibang level nga lang.
Si Aktres A, pang–international, samantalang si Aktres B, pang-local lang pero super bongga naman.
Madaling hulaan, pramis.
* * *
Naglabas ng erratum ang Star Cinema sa nangyaring boboo sa ads ng pelikulang I’ll Be There.
Sa huling ads nila, name ni Direk Cathy Garcia-Molina ang nakalagay na director.
Kaya mabilis nag-react si Direk Maryo J. delos Reyes sa kanyang facebook account.
Dahil sa nangyari, nagbayad ng space for erratum ang Star Cinema.
Grabe yun. Talagang sasama ang loob ni Direk Maryo dahil siya ang nagpakahirap sa pelikula tapos pangalan ni Direk Cathy ang makikita sa ads ng pelikula ng mag-amang Gabby and KC Concepcion.