Indiana Jones at Ally McBeal kasal na!

MANILA, Philippines - Kumpirmado nang nagpakasal ang dalawang Hollywood stars na sina Harrison Ford at Calista Flockhart sa Governor’s Mansion sa New Mexico sa basbas ni Gov. Bill Richardson.

Ayon sa People magazine, naging engaged ang dalawa noong Valentine’s Day ng nakaraang taon. Pero nagkakilala sila noong 2002 pa sa Golden Globes event.

At 67, super busy pa rin si Harrison at sina­sabing may gagawin uling Indiana Jones. “I think it would be interesting to deepen the relationship between he and his son (Mutt, played by Shia LaBeouf) and play on that relationship,” sabi ng aktor sa MTV News. “It’s full of opportunity. The series is full of opportunity.”

Ayon naman sa US Weekly, nagpakasal noong June 15 sa Sante Fe, New Mexico ang couple kung saan nagsu-shooting sa kasalukuyan si Harri­son sa bagong pelikulang Cowboys and Aliens.

Si Calista, 45, ay nakilala naman sa long-running TV series na Ally McBeal.

May anak na lalaki, ang nine-year-old na si Liam na inampon ni Calista noong 2001, ang nasa pangangalaga ng dalawang Hollywood celebrities.

Show comments