John Lloyd at Shaina in denial pa sa relasyon

Ito ang continuation ng kuwento ko tungkol sa pagrampa namin sa Universal Studios Singapore.

Nakakaloka ang pagpunta namin sa Universal Studios dahil over acting ang lakas ng ulan. Sa loob ng dalawang oras, nakatanghod kami sa kawalan at nagdarasal na huminto ang delubyo para maikot namin ang theme park.

Parang Ondoy Part 2 ang naranasan namin ng mga kasama ko pero hinintay namin na huminto ang ulan or else, sayang ang aming ibinayad.

Nabalewala ang malalapad na bubong ng Universal Studios dahil nangibabaw ang malakas na patak ng ulan. Sandaling huminto ang ulan kaya nakapunta kami sa New York attractions ng Universal Studios.

Senior citizen na ako. Hindi ko pinangarap na mahilo sa rides ng Universal Studios kaya ang Lights, Camera, Action na hosted ni Steven Spielberg ang pinuntahan ko.

Nag-enjoy naman ako sa giant sound stage dahil feel na feel ko ang fake hurricane at init ng apoy. Pinatunayan uli ng mga Amerikano ang kanilang husay sa paggawa ng state-of-the art sound stage para sa motion picture at television production.

* * *

Hindi ko nakita sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz pero na-con­firm ko na kuha dito ang kanilang picture noong Lunes, June 14, dahil sa e-mail na ipinadala ng aking informer na nag-request uli na huwag banggitin ang kanyang name at e-mail address:

Hello Tita Lolit, I just read your column and saw the pic of John Lloyd and Shaina that I sent to you. Thanks also for not publishing my name and e-mail address.

Regarding the time that the picture was taken, it was just last Monday, June 14, very recent actually, so siguro, andoon pa sila sa Singapore ngayon at nagbabakasyon.

Natawa ako na uunahin mo ang Startalk sa Paparazzi...OK din po sa akin. Panonoorin ko po ngayong Sabado sa segment ninyo po. Hehe!

I think they are still in denial that they are having a relationship, kasi ayon sa classmate ko, ’yung Wee Hong Hawker ay puro mga foreigners ang naroroon.

Natiyempuhan lang ng classmate ko habang namamasyal sila doon at nakita nila ’yung dalawa. So, ganoon pa siguro ang relationship nila, unless tatanungin mo sila ng diretso.

Anyways, looking forward for your next article on your column at PSN. More power to you!

* * *

Magsisimula na sa darating na Lunes ang Trudis Liit at bida rito ang baguhan pero bibang child star na si Jillian Ward.

Imposible na hindi magustuhan ng mga televiewers si Jillian dahil smart siya at hindi nauubusan ng mga kuwento.

Kung may Momay ang ABS-CBN, may Trudis ang GMA 7. Malamang na sina Momay at Trudis ang pagtapatin dahil pareho silang magagaling umarte kahit hindi nila naranasan na mag-enroll sa acting workshop.

Show comments