Mother Ricky bibisitahin ng mga ama

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo na ipinagdiriwang ang Father’s Day kaya naman sa QTV-11 show na Life and Style with Gandang Ricky Reyes ay dalawang ginoong hindi lang dakila sa public service kundi pati sa pagiging “haligi ng tahanan” ang itatampok. Sila’y sina Sen. Manny Bamba Villar, Jr. at Sec. Gilberto ”Gibo” Cojuangco, Jr.

Ipinanganak sa Tondo nung December 11, 1949 si Manny na unang nanung­kulan bilang kongresista ng Las Piñas nung 1992 at senador nung 2001. Ang dating Rep. Cynthia Aguilar ang kanyang kabiyak at sila’y biniyayaan ng tatlong anak — Manuel Pao­lo Villar III, Mark, at Camila Linda — lahat ay puro papuri ang maririnig tungkol sa mapagmahal na ama.

Three-term member ng House of Repre­sentatives for the 1st district of Tarlac si Gibo hang­gang hirangin siya ni Pres. Gloria Macapagal Ar­royo na secretary of National Defense Taong 2007 hanggang 2009. Siya ang chairman ng Lakas-Kampi-CMD mula nung November 20, 2010.

Ang maganda at mabait na kabiyak ni Gibo na si Monica Prieto ang 1st District of Tarlac re­pre­sen­tative ngayon. Isa lang ang anak ng mag-asa­wa, si Jaime Gilberto, na itinuturing na napa­kapa­lad niya sa pagkakaroon ng amang tulad ni Gibo.

Sa huling Linggo ng June ay may final demo si Mader Ricky sa Great Hair Day ng mga hairstyles at makeup para sa mga June brides na ang co-host ay si Janna Dominguez.

Magbibigay naman ng tips sa Gandang Body si Regine Tolentino kung paano magkakaroon ng kaakit-akit na katawan sa pamamagitan ng sayaw at madadaling ehersisyo.

Produksyon ng ScriptoVision ang Life and Style with Gandang Ricky Reyes na napapanood tuwing Linggo, alas diyes ng umaga sa QTV.

Show comments