Dahil walang show sa Kapuso: Chynna pinagbigyang mag-guest sa Kapatid

’Kaaliw ang expe­rience ng isang re­porter na nag-solicit ng amount sa isang sikat na aktor para sa isang event na in­volved ang una. Expected na ng repor­ter na P10,000 ang ibibigay ng actor dahil ito ang sinabi sa kanyang amount na ibibi­gay, kaya masayang pumunta ang reporter sa office ng manager ng actor.

Laking gulat ng reporter nang matanggap ang perang donation ng actor dahil P5,000 lang at bago pa siya makapagtanong sa mga tao sa office, naki­ta niya sa pinirma­hang voucher na ’yung origi­nal amount na P10,000 ay binura at ginawang P5,000.

Binawasan ang perang bigay ng sikat na aktor na ipinaabot sa re­por­­ter at ang nakakaloka, hindi man lang pinalitan ang voucher at ine­kisan lang ang P10,000. Nagkaroon tuloy ng ebidensya ang reporter.

Nakapirma sa voucher kung sino ang nagba­was ng perang ipina­bigay ng actor sa reporter, pero hindi na ipinasulat ng repor­ter. Sana lang daw, pinali­tan ang voucher para walang ebi­densya. Hahaha!

* * *

Paminsan-minsan, nakakatisod kami ng balita sa Twitter at kahapon, nabasa naming tuwang-tuwang ibinalita ni Chyn­na Ortaleza na pinayagan siya ng GMA 7 na mag-guest sa TV5. Taping n’ya nga­yong araw para sa Midnight DJ at ma­lay natin, payagan din siyang mag-guest sa ibang show ng Singko dahil tapos na siyang mag-taping ng The Last Prince.

Wala ng ibang show sa Channel 7 si Chynna at naggi-guest na lang sila ni Ryza Cenon sa Party Pilipinas dahil hin­di sila isinama sa show nang tsugihin ang SOP, ga­yung dapat kasama sila dahil GMA talents sila. Talo pa sila ng mga hindi con­tract stars ng network dahil every Sun­day, nakikitang nagsasa­yaw sa Party Pilipinas.

Anyway, excited si Chynna na mag-taping sa show na bida si Oyo Sotto. Thankful si Chynna na pinayagan siya ng Channel 7 na mag-guest sa TV5, pero hindi kaya maging precedent ito para mag-guest na rin ang ibang talents ng Channel 7 sa shows ng TV5?

* * *

Masuwerte itong si Daniel Matsunaga dahil ’pag nag­si­mulang umere sa June 20 ang Love Bug Pre­­sents Wish Come True, dalawa na ang re­gular TV shows ng Brapanese hunk dahil nasa cast din siya ng Langit sa Piling Mo at isa sa three leading men ni Heart Evan­gelista.

 Kung pilot ang role ni Daniel sa Langit sa Piling Mo, model naman siya sa Wish Come True at ’di siya nahirapang umarte dahil trabaho niya ito bago siya mag-showbiz.

Gustung-gusto rin si Daniel ng mga naka­­katrabaho niya gaya ni Heart dahil tahimik lang ito, mabait at gwapung-gwapo. Madali rin silang naging magkaibigan ni Kris Ber­nal, pero sabi ng aktres, hindi niya pinapangarap maging BF si Daniel dahil hindi siya mahilig sa gwa­po at matatangkad dahil lapitin ng mga babae. May bad experience kaya si Kris kay Aljur Abrenica?

* * *

Sa Pilyang Kerubin, naglayas si Michael (Jo­shua Dionisio) at hihingi ng tulong si Melissa (An­­gelika dela Cruz) kay Arman (Raymart San­tiago) para hanapin ang anak.

Show comments