Isa ‘yun sa mga pagkakataon na hindi ako nagalit sa choice ng mga texters. Di tulad nung matalo si Adam Lambert ni Kris Allen sa American Idol, dun talaga, nagalit ako. Feeling ko, hindi marunong bumoto ang mga Kano.
Nadisappoint din ako nang hindi maging finalist ang isang inaakala kong strong contender sa isang singing contest na isinagawa ng GMA 7 na local version ng American Idol.
Pero sa katatapos na Pilipinas Got Talent, okay na sa akin ang pananalo ni Jovit Baldivino, ang You Tube sensation na bet ng aking maid of honor at yaya ng aking mga apo, at maging ng aking doktorang anak. In fairness, maganda ang boses nito at ‘yung kakulangan niya ng star quality, madaling ma-achieve, bigyan lang ng kaunting panahon ang ABS-CBN at mapagmumukha nila itong artista.
Just look at Melai Cantiveros of PBB now. Lalo na si Jovit na may promise ang looks, a little overhaul lang ay puwede na siya. Talent naman ang habol ng mga fans sa kanya at hindi ang kanyang itsura. Na-disappoint ba ako sa pagkatalo nina Alakim at ng puppeteer na si Ruther? Oo naman dahil dalawa na lang sila sa mabilis mawalang breed ng mga novelty performers sa bansa. Mas gusto at pinapaboran sa ating bansa ang mga singers, dancers, at artista never ang magicians at puppeteers. Sa ating kultura, pang children’s party lang sila. Pero kung lilimiin, mahirap talaga ‘yung acts nila.
* * *
PGT’s final show did not deprive me of the privilege na mapanood ang isa pang episode ng Talentadong Pinoy. I caught the act of another yoyo player na parang mas magaling pa sa kasalukuyang TP champion.
Hindi pa rin mapag-iiwanan si Ryan Agoncillo when it comes to hosting. Kabisado na niya ang trabaho at talagang magaling siya rito. Exceptional din naman sina Luis Manzano at Billy Crawford pero hindi pa sila kasing-seasoned ni Ryan.
* * *
Para sa isang hindi nangarap maging artista, ang bilis ng asenso ni Tom Rodriguez. After the very successful Here Comes the Bride, he’s into another film, a horror one at that. Ninenerbiyos siya pero excited at the very same time na makuha siya para lumabas sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya kapareha si Kaye Abad. At hindi nila ito gagawin dito, magti-tape sila sa Japan.
Miyembro pa rin si Tom ng mabilis na sumisikat na boy band, ang Voizboys na kung saan ay mas napapabilis ang pagsikat niya dahil sa napakaraming mall tours na ginagawa nila para sa promotion ng kanilang album na Fusion.
* * *
Natutuwa ako na napapanood muli si Gladys Guevarra sa Take Me Out, isang dating game ng GMA 7 hosted by Jay-R. Matagal na rin siyang nawawala sa eksena ng local showbiz at dahil magaling naman siyang performer kung kaya nakaka-miss din siya. Kaya lang Gladys, dapat siguro magbawas-bawas ka ng timbang. Ang laki na ng katawan niya.