MANILA, Philippines - Sinimulan na ang makasaysayang pagsasahimpapawid ng DZMM TeleRadyo sa mga bansa sa Middle East at Australia noong Hunyo 1 at Mayo 31. Simula naman bukas, Hunyo 15, mapapanood na rin ang DZMM TeleRadyo sa Europa sa pamamagitan pa rin ng TFC, o The Filipino Channel.
Sa pagdating ng DZMM TeleRadyo sa Middle East, Australia, at Europa, mas mapapabuti pa ng DZMM ang paghahatid ng balita at serbisyo publiko sa mga Pilipino sa abroad. Ngayon, makikita na nila ang kanilang paboritong anchor, mababasa ang maiinit na balitang pumapasok, at mapapanood na rin ang pinakaunang footage mula sa mga pinangyarihan ng balita.
Dahil worldwide na, tatalakayin na rin ng DZMM TeleRadyo ang mga isyu at katanungan ng mga kababayan natin sa ibang bansa sa mga programang Aksiyon Ngayon Global Patrol kasama sina Kaye Dacer, Fr. Tito Caluag at Zaldy Naguit, Usapang de Campanilla nina Lynda Jumilla, Alvin Echico, Atty. Danny Concepcion at Atty. Claire Castro at Magandang Gabi Dok, tampok naman si Niña Corpuz.
Ani ABS-CBN Manila Radio Division Head Peter Musngi, na kamakailan lang ay tumayong hurado sa prestihiyosong New York Festivals Radio Programming & Promotion Awards, nagbabadya ito ng mas malalaking kaganapan pa sa DZMM.
Ngayon ay pinaghahandaan na nila ang kanilang ika-24 anibersaryo kung saan maglulunsad sila ng iba’t ibang proyektong tutulong sa mga komunidad tulad ng isang mobile learning center at clinic na iikot sa mga barangay.