Himig Ariel magko-concert

MANILA, Philippines - Dumalo sina German Moreno at Jake Var­gas sa paglulunsad ng album ng Hi­mig Ariel The Concert. ni Atty. Ariel Inton.

Kabilang sa mga 20 kantang kasama sa al­bum ay nilikha ng ilang talents ng Himig Ariel na eventually ay papasukin din ang showbiz.

Patuloy na magiging bahagi ng showbiz si Atty. Inton at nangakong tutulong din sa administrasyon ng Mayor-elect Herbert Bautista at Vice Mayor-elect Joy Belmonte.

“Magbibigay pa rin ako ng free legal service sa Quezon City lalo na para sa mahihirap. Gusto ko ring makatulong sa entertainment world. Balak ko ring kumuha ng filmmaking, maging direktor at mag-prodyus ng pelikula balang araw. Tutulong din ako sa mga may talentong Pinoy para matupad ang kanilang pangarap sa pag-awit, pagsayaw at pag-arte,” wika pa niya.

Matatandaang malaki ang naiambag ni Atty. Inton sa pagpasa ng ordinansa ng 0% amusement tax sa Quezon City. Siya rin ang nakipag-ugnayan sa city council para suportahan ang City of Stars ni Kuya Germs at tumulong sa Movie Writers Welfare Foundation sa pamamagitan ng odinansang nagre-require sa lahat ng cinema owners at operators na maitaas ang admission ticket ng P1.00 para sa buwan ng Mayo at ang proceeds ay ido-donate sa  MWWF.

Show comments