TRUE : Walong buwan na palang sumasailalim sa BHRT si Lorna Tolentino - na ang ibig sabihin ay Bio-Identical Hormonal Replacement Therapy.
Kaya naaliw si LT nang napanood ang Sex and the City 2 dahil nagpapa-BHRT si Samantha, ang character na ginampanan ni Kim Catrall, kaya naka-relate daw siya.
Ang BHRT ay isang proseso na ginagawa sa isang babaeng malapit nang mag-menopause. Base sa pagkakaintindi ko sa paliwanag ni LT, tinitingnan daw doon ang lahat ng mga hormones. Kung nakitang kulang na ang ilan sa mga hormone mo, iri-replace daw ‘yun para buo pa rin at hindi ka magkakaroon ng hormonal imbalance.
Kinlaro namin kay LT kung sakaling kulang na ang sexual hormones at iri-replace ng prosesong ito, puwede bang mabuntis? “Puwede!” sagot agad ni LT pero wala naman daw siyang balak na magpabuntis dahil happy na siya ngayon sa kalagayan niya. “I’m happy being single,” sey ni LT.
TANONG : Totoo kayang nag-react ang main office ng Louis Vuitton sa bagong print ad at billboard ng Flawless na ini-endorse ni Lorna?
Marami ang nakapansin sa bagong promo ng Flawless kung saan mamimigay sila ng bonggang Louis Vuitton bag sa mga lucky customers.
Hanggang December daw ang promong ito kaya gumawa sila ng bonggang ad at billboard na minodel ni LT. Marami ang nagulat sa ganda ng pictorial dahil mukhang bagets si LT at talbog ang ibang models na puwedeng mag-endorse ng mamahaling designer bag na ito.
Kaagad nagpadala ng notice ang main office ng LV sa Pilipinas na kailangan daw tanggalin ang Louis Vuitton sa kanilang print ad at sa billboard dahil nagagamit sila sa promo ng Flawless.
Paliwanag naman ng may-ari ng Flawless na si Ms. Rubby Sy, aware naman daw ang mga taga-Louis Vitton dito na gagamitin nila ito sa kanilang promo. Pero nanggaling daw ang utos sa main office ng LV sa Paris, kaya wala silang magagawa kundi sundin ito.
Kaya ang susunod na nilang print ad at billboard, ibang designer bag na ang gagamitin, hindi na ang Louis Vuitton.
Pero naaliw ang mga taga-Flawless dahil napansin daw ito agad ng mga taga-Paris pati ang ganda ni LT bilang modelo nito.
TOTOO KAYANG tumanggi ang direktor ng isang musical-variety show na pakantahin ng live ang dalawang magandang aktres pagkatapos niyang marinig ang mga boses nito?
Kasi naman, dapat live silang kakanta dahil kayang mag-live ng tatlong magaganda pang aktres na kasabay nila sa production number sana. Kaya nag-insist ang dalawang aktres na dapat ay mag-live din sila.
Sa rehearsal nito ay sinubukan ni direk na pakantahin ang dalawa kung kaya ba nilang sumabay kumanta ng live sa tatlo pa nilang kasama. Pero nairita lang si direk sa boses nila kaya ang ginawa, pinag-emote-emote na lang ang dalawang aktres na walang boses habang kumakanta ang tatlo pang magandang girls na kasabay nila sa production number sa isang musical variety show.
Napanood n’yo ba ito last Sunday?
TSIKA LANG : In-assure sa amin ni Sen. Bong Revilla na may pelikula siyang kasali sa 2010 Metro Manila Film Festival.
Definitely hindi raw ang part two ng Ang Panday kundi ibang project ito. Ito na kaya ang pagsasamahan nila ni Vic Sotto?
“Basta abangan n’yo na lang. Malapit ko nang i-announce,” pahayag ni Sen. Bong.