Finalists ng PGT may trabaho agad kay Kris

Hindi man manalo (o baka naman sila ang na­na­lo) sa ginanap na grand finals ng kauna-una­hang Pi­­li­pinas Got Talent na nagtapos ng unang season ka­gabi sa isang napaka-masaya at du­ma­­­da­gundong na presentasyon sa Araneta Co­liseum at sinaksihan ng ilang mga opisyal ng Fre­mantle Media na siyang nagtataguyod ng nasa­bing palabas sa Amerika, na­ka­­sisiguro na ng tra­baho ang dalawa sa mga grand fina­lists, ang acro­bat/dancers na Velasco Brothers at ang pup­pe­teer na si Ruther Urquia. Ang una will ex­­perience the very rare chance na mapanood sa ina­gurasyon ng bagong halal na si Pangulong Noy­noy Aqui­no. Ang offer ay ibinigay sa kanila ng kapatid ng pangulo na isa sa tumayong tatlong hurado sa ka­­buuan ng paligsahan nung mapili silang grand fina­lists. Ang ikalawa naman ay gustong isama ni Kris Aquino sa kanyang sisimulang travel show sa ABS-CBN.

Ang Velasco Brothers at si Ruther Urquia ay dala­wa sa anim na hindi pagkanta ang ipinamalas na ta­lento sa PGT. Itinigil pan­­saman­tala ng apat na mag­kakapatid ang kani­­lang performances sa ab­road para sumali sa PGT. Hindi naman naka­­lusot sa pan­lasa nina Kris at ang dalawa pang jud­ges na sina AiAi delas Alas at Mr. Fred­die M. Garcia ang pagiging world class ng talent nito kaya nakapasa sila sa audition.

Masasabi kong pinaka-popular na grand finalist ng PGT si Jovit Baldovino na kontrobersiyal na sa simula pa lang ng PGT. Siguradong hindi siya paka­kawalan ng ABS-CBN dahil sa kakaibang bril­yo ng boses niya na umaani ng papuri sa YouTube. Hindi pa man ginaganap ang grand finals ay marami na siyang napapasikat na kanta sa internet.

Sayang at dahil sa kakapusan ng oras na ibini­gay para ipakita nila ang kanilang talento ay tatlo la­mang ang natugtog ni Jenine Oliva, ang drums, pia­no at violin. May siyam na musical instruments pa sana siyang alam tugtugin.

‘Yung hindi ko masyadong binigyan ng im­por­tan­siya na Baguio Metamorphosis dahil akala ko ay isang belly dancing act lamang na hinaluan ng hiphop ay nagpamalas ng mahigit pa sa 50% na galing at gan­­da ng performance kaysa sa ipina­malas nila nung semi-finals.

Medyo na-disappoint ako sa naging perfor­mance ng Broadway singing nurse na si Ingrid Paya­ket na mula rin sa Baguio tulad ng Meta. Mas ma­galing siya nung semi-finals at mas gamay niya ang piyesa niya. Ganundin ang gitaristang si Keith Delleva na mas magaling na musikero kesa singer at ang pamil­ya Luntayao na hindi ganun kaganda ang areglo ng kanilang grand finals song.

Parang ordinary din sa akin ang dating ng Ezra Band at parang tumutugtog lamang sila sa isang gig. Ga­­nundin din si Markki Stroem na napaka­ra­ming fans na nagwawagayway ng kanyang mga pos­ters and banners sa buong coliseum. Ang pag­tugtog niya ng saxophone ay nagbigay sa kanya ng pogi points pero hindi nakadagdag sa kanyang points bilang grand finalist.

Sa mga singer, pinaka-maganda ang perfor­mance ni Sherwin Baguion pero kasi mahirap yung hindi original at kaboses lang ni Gary Valen­ciano.

Mas maraming butterfly ang pinakawalan ni Alakim de Paz nung humarap siya’t mag-per­form sa harap ng media, pero bumawi siya sa kanyang disappearing act nang ma­wala siya sa kanyang kina­tatayuan sa stage at nang hanapin ay nasa lower bleacher na siya kapiling ang kanyang mga supporters. Medyo mahirap niyang takbuhin ang kan­yang kinalalagyan at makita agad sa ibang lugar, not unless may kakambal siya.

Sa naging tagumpay ng first season ng Pilipinas Got Talent, sigurado nang magka­karoon ito ng second season.

* * *

Napaka-ganda talaga ng pagkakataon na ibi­nibigay ng ABS-CBN kay Melai Cantiveros. Bukod sa pagiging artista, binibigyan na rin siya ng tsansa na mag-host sa ASAP XV.

Tensiyonado si Melai dahil magagaling ang mga artistang host dito, maging ‘yung mga babae. Kaya sinasabing nai-insecure daw ang babaeng taga-Gen San. Pero hindi naman siya normal kung agad ay kampante siya sa bagong trabaho niya.

* * *

Wala nang gagaling pang mag-host ng Pilipinas Got Talent bukod kina Luis Manzano at Billy Craw­ford. Talagang nakakuha ng isang magaling na tan­dem sa kanila ang ABS-CBN. At ang magan­da sa ka­­­nilang dalawa, hindi sila nagsasapawan. Kitang-kita mo ang pagtutulungan nila at suporta sa isa’t isa. Kung sa iba-iba ’yun, magkakainggitan na at magta­tangka nang lamangan ang kasama pero hindi sila. Secure sila sa kani-kanilang posis­yon bilang artista. Sa halip na umasa ng suporta, sila pa madalas ang su­mu­suporta sa mga kasa­mahan nila, maging ng mga judges.

Sa off cam ng PGT, pilit nilang inaaliw ang au­dien­ce, nagpapatawa, gumagawa ng kung anu- anong act para sila maka-entertain.

* * *

Ngayon napatunayan ni Kim Chiu sa kanyang pag­labas sa Maalaala Mo Kaya na bagay din pala siya sa ibang kapareha, hindi lang kay Gerald Anderson. Hindi ko alam kung talagang gumaling na siyang artista o nadala lamang siya sa pag-arte ng magaling ding si Carlo Aquino dahil napa­kaganda ng pagtatambal nila sa episode nung Sabado na kung saan lu­mabas sila bilang isang young married couple.

Nag-mature na si Kim bilang aktres. Ang ma­gan­da sa kanya, siya pa ang nag­­tutulak sa kan­yang sarili para mapagaling pa ang kanyang pagganap. Kahit hin­di siya ang director, when she feels na kulang ang kanyang pag-arte, humihingi siya ng isa pang take.

Show comments